Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

173- Ayon kay Abe Zarr AL-Gaffa`rie malugod si Allah sa kanya-Na ang mga tao mula sa kasamahan ng sugo ni Allah-pagpalain ni Allah siya at ang mag-anak niya at pangalagaan ,nagsabi sila sa propeta pagpalain siya ni Allah pagkataas-taas Niya at ang mag-anak niya at pangalagaan :O sugo ni Allah,nauna na ang mga mayayaman sa mga gantimpala ,Sila ay nagdarasal tulad ng aming pagdarasal,at sila ay nag-aayuno tulad ng aming pag-aayuno,nagkakawang-gawa sila sa kainaman ng mga kayamanan nila Nagsabi siya:Hindi ba`t ginawa ni Allah sa inyo ang ipagkakawang-gawa ninyo?.katotohanan sa bawat pag-ala-ala (pagbigkas ng Subhanallah) ay kawang-gawa,at sa bawat pagdakila (pagbigkas ng Allahu Akbar) ay kawang-gawa at sa bawat pagpuri (pagbigkas ng Alhamdulillah) ay kawang-gawa at sa bawat bigkas ng (La ilaha Illalah) ay kawang-gawa,ang pag-utos sa mga kabutihan ay kawang-gawa at ang pagbawal sa mga kasamaan ay kawang-gawa.at ang paggalaw ng isa sa inyo asawa nito,ay kawang-gawa.Nagsabi sila:O sugo ni Allah kapag ang isa sa amin ay gumalaw sa asawa nito, magkakaroon ba siya ng gantimpala.?Nagsabi siya:Sa tingin ninyo,kapag nangalunya at inilagay niya ang pagnanais niya sa ipinagbabawal,magkakaroon ba siya ng kasalanan?Nagsabi sila:Oo,Nagsabi siya:Ganun din kapag inilagay niya ito sa ipinapahintulot, magkakaroon siya ng gantimpala.