Ang sinumang bumigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allāh ay magkakaroon siya dahil dito ng isang gawang maganda. Ang gawang maganda ay [may gantimpalang] katumbas sa sampung tulad nito

Ang sinumang bumigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allāh ay magkakaroon siya dahil dito ng isang gawang maganda. Ang gawang maganda ay [may gantimpalang] katumbas sa sampung tulad nito

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)': "Ang sinumang bumigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allāh ay magkakaroon siya dahil dito ng isang gawang maganda. Ang gawang maganda ay [may gantimpalang] katumbas sa sampung tulad nito. Hindi ko sinasabing ang alif lām mīm ay isang titik, bagkus ang alif ay isang titik, ang lām ay isang titik at ang mīm ay isang titik."}

[Maganda] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat Muslim na bumibigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allāh ay magkakaroon dahil dito ng isang gawang maganda. Pag-iibayuhin para sa kanya ang pabuya hanggang sa sampung tulad nito. Pagkatapos nilinaw niya iyon sa sabi niya: "Hindi ko sinasabing ang alif lām mīm ay isang titik, bagkus ang alif ay isang titik, ang lām ay isang titik at ang mīm ay isang titik." Kaya ang mga ito ay tatlong titik, na sa mga ito ay may tatlumpung gawang maganda.

فوائد الحديث

Ang paghimok sa pagpaparami ng pagbigkas ng Qur'ān.

Ang tagabigkas, dahil sa bawat titik mula sa isang salita na binibigkas niya, ay magkakaroon ng isang gawang magandang pinag-iibayo sa katumbas sa sampung tulad nito.

Ang lawak ng awa ni Allāh at ang pagkamapagbigay Niya yayamang pinag-ibayo Niya para sa mga lingkod ang pabuya bilang kabutihang-loob mula sa Kanya at bilang pagkamapagbigay.

Ang kainaman ng Qur'ān higit sa iba pa rito na pananalita at ang pagpapakamananamba sa pamamagitan ng pagbigkas nito. Iyon ay dahil ito ay pananalita ni Allāh (napakataas Siya).

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Pagpapahalaga sa Qur'ān, Ang mga Kainaman ng Marangal na Qur'ān