إعدادات العرض
Ang pinakakaibig-ibig na pangungusap para kay Allāh ay apat: Subḥāna -llāh (Kaluwalhatian kay Allāh), Alḥmadu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh), Lā ilāha illa llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila).…
Ang pinakakaibig-ibig na pangungusap para kay Allāh ay apat: Subḥāna -llāh (Kaluwalhatian kay Allāh), Alḥmadu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh), Lā ilāha illa llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila). Hindi makapipinsala sa iyo kung sa alin man sa mga ito nagsimula ka."}
Ayon kay Samurah bin Jundub (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakakaibig-ibig na pangungusap para kay Allāh ay apat: Subḥāna -llāh (Kaluwalhatian kay Allāh), Alḥmadu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh), Lā ilāha illa llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila). Hindi makapipinsala sa iyo kung sa alin man sa mga ito nagsimula ka."}
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili မြန်မာ Русский Deutsch 日本語 پښتو অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە தமிழ் ไทย دری Fulfulde Magyar ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių or Română Kinyarwanda Српски O‘zbek Moore नेपाली Oromoo Wolof Soomaali Български Українська Azərbaycan ქართული lnالشرح
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakakaibig-ibig na pangungusap para kay Allāh (napakataas Siya) ay apat: Subḥāna -llāh (Kaluwalhatian kay Allāh). Nangangahulugan ito ng pagpapawalang-kinalaman kay Allāh (napakataas Siya) sa bawat kakulangan. Alḥmadu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh). Ito ay paglalarawan kay Allāh ng kalubusang ganap kasama ng pag-ibig sa Kanya at pagdakila sa Kanya. Lā ilāha illa llāh (Walang Diyos kundi si Allāh). Ibig sabihin: Walang sinasambang totoo kundi si Allāh. Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila). Ibig sabihin: pinakakapita-pitagan, pinakasukdulan, at pinakamakapangyarihan kaysa sa bawat bagay. Ang kainaman ng mga ito at ang pagtamo sa gantimpala sa mga ito ay hindi humihiling ng pagkasunud-sunod ng mga ito sa sandali ng pagbigkas sa mga ito.فوائد الحديث
Ang kagaanan ng Batas ng Islām yayamang hindi nakapipinsala kung sa alin man sa mga pangungusap na ito nagsimula ka.
التصنيفات
Ang mga Dhikr na Walang Takda