إعدادات العرض
Ako ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal. Ang sinumang gumawa ng isang gawa na nagtambal siya rito kasama sa Akin ng iba pa sa Akin, mag-iiwan Ako sa kanya kasama ng pagtatambal niya
Ako ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal. Ang sinumang gumawa ng isang gawa na nagtambal siya rito kasama sa Akin ng iba pa sa Akin, mag-iiwan Ako sa kanya kasama ng pagtatambal niya
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): Ako ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal. Ang sinumang gumawa ng isang gawa na nagtambal siya rito kasama sa Akin ng iba pa sa Akin, mag-iiwan Ako sa kanya kasama ng pagtatambal niya."}
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands සිංහල தமிழ் ไทย دری Akan Azərbaycan Български Fulfulde Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy नेपाली or Română Kinyarwanda тоҷикӣ O‘zbek Moore Wolof Oromoo bm Українська rn km Српски ქართული Македонски Русскийالشرح
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi na Siya ay ang pinakawalang-pangangailangan sa mga katambal sa pagtatambal sapagkat Siya ang Walang-pangangailangan sa bawat bagay; at na ang tao, kapag gumawa siya ng isang gawang kabilang sa mga pagtalima at gumawa nito para kay Allāh at para sa iba pa kay Allāh, mag-iiwan sa kanya si Allāh, hindi tatanggap niyon mula sa kanya, at magbabalik nito sa tagagawa nito. Kaya kinakailangan ang pagpapakawagas sa gawain para kay Allāh (napakataas Siya) dahil Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay hindi tumatanggap kundi ng anumang naging wagas na ukol sa marangal na mukha Niya.فوائد الحديث
Ang pagbibigay-babala laban sa Shirk sa lahat ng mga anyo nito, at na ito ay tagahadlang sa pagkatanggap ng gawa.
Ang pagsadamdamin sa kawalang-pangangailangan ni Allāh at kadakilaan Niya, na nakatutulong sa pagpapakawagas sa gawain.