Kapag umibig ang tao sa kapatid niya, magpabatid siya rito na siya ay umiibig dito

Kapag umibig ang tao sa kapatid niya, magpabatid siya rito na siya ay umiibig dito

Ayon kay Al-Miqdām bin Ma`dīkarib (malugod si Allāh sa kanya), ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kapag umibig ang tao sa kapatid niya, magpabatid siya rito na siya ay umiibig dito."

[Tumpak]

الشرح

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isa sa mga kadahilanan na nagpapalakas sa kaugnayan sa pagitan ng mga mananampalataya at nagpapalaganap ng pag-ibig sa gitna nila: na kapag minahal ng isa ang kapatid niya ay ipabatid niya rito na siya ay nagmamahal dito.

فوائد الحديث

Ang kainaman ng pag-ibig na wagas para kay Allāh (napakataas Siya), hindi para sa kapakanang pangmundo.

Ang pagsasakaibig-ibig ng pagpapabatid sa iniibig alang-alang kay Allāh hinggil sa pag-ibig sa kanya upang madagdagan ang pag-ibig at ang pagpapalagayang-loob.

Ang pagpapalaganap ng pag-ibig sa pagitan ng mga mananampalataya ay nagpapalakas sa kapatirang pampananampalataya at nangangalaga sa lipunan laban sa pagkakalansag-lansag at pagkakahati.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri, Ang mga Kaasalan ng Pagsasalita at Pananahimik