إعدادات العرض
Manatili kayo sa katapatan sapagkat tunay na ang katapatan ay pumapatnubay tungo sa pagsasamabuting-loob at tunay na ang pagsasamabuting-loob ay pumapatnubay tungo sa Paraiso
Manatili kayo sa katapatan sapagkat tunay na ang katapatan ay pumapatnubay tungo sa pagsasamabuting-loob at tunay na ang pagsasamabuting-loob ay pumapatnubay tungo sa Paraiso
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Manatili kayo sa katapatan sapagkat tunay na ang katapatan ay pumapatnubay tungo sa pagsasamabuting-loob at tunay na ang pagsasamabuting-loob ay pumapatnubay tungo sa Paraiso. Hindi natitigil ang tao na nagpapakatapat at naghahangad ng katapatan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang napakatapat. Kaingat kayo sa pagsisinungaling sapagkat tunay na ang pagsisinungaling ay pumapatnubay tungo sa pagsasamasamang-loob at tunay na ang pagsasamasamang-loob ay pumapatnubay tungo sa Impiyerno. Hindi natitigil ang tao na nagsisinungaling at naghahangad ng kasinungalingan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang palasinungaling."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Hausa Kurdî Português தமிழ் አማርኛ অসমীয়া Kiswahili ગુજરાતી Nederlands پښتو नेपाली മലയാളം Svenska ไทย Кыргызча Română Malagasy ಕನ್ನಡ Српски తెలుగు ქართული Mooreالشرح
Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapakatapat. Nagpabatid siya na ang pananatili rito ay nagpaparating sa maayos na permanenteng gawa at ang nagtitiyaga sa paggawa ng kabutihan ay nagpaparating sa tagagawa nito sa Paraiso. Hindi natitigil na nauulit-ulit sa kanya ang pagpapakatapat nang palihim at hayagan. Nagiging karapat-dapat siya sa katawagang napakatapat, na pagpapalabis sa pagpapakatapat. Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa kasinungalingan at pagsasabi ng kabulaanan dahil ito ay pumupukaw sa pagkiling palayo sa pagpapakatuwid at tungo sa paggawa ng kasamaan, katiwalian, at mga pagsuway, pagkatapos magpaparating sa kanya sa Impiyerno. Hindi siya tumigil na nagpaparami ng kasinungalingan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh na kabilang sa mga sinungaling.فوائد الحديث
Ang katapatan ay isang marangal na kaasalang natatamo sa pamamagitan ng pagkamit at pagsisikap sapagkat tunay na ang tao ay hindi tumitigil na nagpapakatapat at naghahangad ng katapatan hanggang sa ang katapatan ay maging isang katutubong gawi para sa kanya at isang kalikasan kaya itatala siya sa ganang kay Allāh na kabilang sa mga napakatapat at mga mabuting-loob.
Ang pagsisinungaling ay isang kapula-pulang kaasalan na nakakamit ng tagapagtaglay nito mula sa tagal ng pagsasagawa nito at paghahangad nito sa sinasabi at ginagawa, hanggang sa ito ay maging isang kaasalan at isang katutubong gawi, pagkatapos itatala siya sa ganang kay Allāh (napakataas Siya) na kabilang sa mga palasinungaling.
Ang katapatan ay itinataguri sa katapatan ng dila, na salungat ng kasinungalingan. Ang katapatan ay nasa layunin, ang pagpapakawagas. Ang katapatan ay nasa pagtitika sa isang kabutihang nilayon. Ang katapatan ay nasa mga gawain. Ang pinakamababa nito ay pagkakapantay ng lihim dito at hayagan dito. Ang katapatan ay nasa mga sitwasyon, gaya ng katapatan sa pangamba, pag-asa, at iba pa sa dalawang ito. Kaya ang sinumang nailarawan sa gayon, siya ay napakatapat; o sa ilan sa mga ito, siya ay tapat.
التصنيفات
Ang Etikang Kapuri-puri