Hindi papasok sa Paraiso ang isang tagaputol ng ugnayan sa kaanak."}

Hindi papasok sa Paraiso ang isang tagaputol ng ugnayan sa kaanak."}

Ayon kay Jubayr bin Muṭ`im (malugod si Allāh sa kanya), siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Hindi papasok sa Paraiso ang isang tagaputol ng ugnayan sa kaanak."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang pumutol buhat sa ugnayan sa mga kamag-anak niya ng anumang kinakailangan para sa kanila na mga karapatan, o namerhuwisyo sa kanila at gumawa ng masagwa sa kanila, siya ay karapat-dapat na hindi pumasok sa Paraiso.

فوائد الحديث

Ang pagputol ng ugnayan sa kaanak ay isang malaking kasalanan kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.

Ang pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak ay alinsunod sa nakagisnan sapagkat nagkakaiba-iba ito ayon sa pagkakaiba-iba ng mga lugar, mga panahon, at mga tao.

Ang pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak ay sa pamamagitan ng pagbisita, kawanggawa, paggawa ng maganda sa kanila, pagdalaw sa mga maysakit, pag-uutos sa kanila ng nakabubuti, at pagsaway sa kanila ng nakasasama, at iba pa rito.

Sa tuwing ang pagputol ng ugnayan sa kaanak ay sa pinakamalapit na kaanak, ito ay magiging higit na matindi sa kasalanan.

التصنيفات

Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan, Ang mga Kainaman ng Pakikipag-ugnayan sa mga Kaanak