Tunay na ang Mundo ay matamis na luntian at tunay na si Allāh ay nagsasakahalili sa inyo rito, kaya tumitingin Siya kung papaano kayong gumagawa. Kaya mangilag kayong magkasala sa Mundo at mangilag kayo sa mga babae

Tunay na ang Mundo ay matamis na luntian at tunay na si Allāh ay nagsasakahalili sa inyo rito, kaya tumitingin Siya kung papaano kayong gumagawa. Kaya mangilag kayong magkasala sa Mundo at mangilag kayo sa mga babae

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang Mundo ay matamis na luntian at tunay na si Allāh ay nagsasakahalili sa inyo rito, kaya tumitingin Siya kung papaano kayong gumagawa. Kaya mangilag kayong magkasala sa Mundo at mangilag kayo sa mga babae sapagkat tunay na ang unang tukso sa mga anak ni Israel ay sa mga babae."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Mundo ay matamis sa panlasa, luntian sa paningin, kaya nalilinlang ang tao rito, nagugumon siya rito, at gumagawa rito bilang pinakamalaking alalahanin niya. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay gumawa sa ilan sa atin na humahalili sa iba sa makamundong buhay na ito upang tumingin Siya kung papaano tayong gagawa: kung magsasagawa ba tayo ng pagtalima sa Kanya o susuway sa Kanya. Pagkatapos nagsabi siya: "Mag-ingat kayo na makalinlang sa inyo ang natatamasa sa Mundo at ang gayak nito para makapagbuyo sa inyo ang mga ito sa pagwaksi sa ipinag-utos ni Allāh at pagkasadlak sa sinaway Niya sa inyo" Kabilang sa pinakamabigat na kinakailangan ang pag-iingat laban doon mula sa mga tukso ng Mundo ang tukso ng mga babae, na unang tukso na kinasadlakan ng mga anak ni Israel.

فوائد الحديث

Ang paghimok sa pamamalagi sa pangingilag magkasala at ang hindi pagkaabala sa mga panlabas na aspeto ng Mundo at gayak nito.

Ang pag-iingat laban sa pagkatukso sa mga babae gaya ng pagtingin o pagwawalang-bahala sa pakikihalubilo nila sa mga lalaking estranghero o iba pa roon.

Ang tukso ng mga babae ay kabilang sa pinakamabigat sa mga tukso sa Mundo.

Ang mapangaralan at ang pagtanggap ng aral mula sa mga kalipunang lumipas sapagkat ang nangyari sa mga anak ni Israel ay maaaring mangyari sa iba pa sa kanila.

Ang tukso ng mga babae, kapag ito ay maybahay, ay maaaring mag-atang sa lalaki ng gugulin na hindi niya makakaya sapagkat magpapaabala ito sa kanya palayo sa paghahangad ng mga nauukol sa Relihiyon at magbubuyo ito sa kanya sa pagpapakahirap sa paghahanap ng makamundong bagay. Kung ito naman ay estranghera, ang tukso nito ay sa pamamagitan ng pag-akit sa mga lalaki at pagpapakiling sa kanila palayo sa katotohanan kapag lumabas sila at nakihalubilo sila sa mga lalaki, lalo na kapag sila ay mga hindi nakabelo at mga nagtatanghal ng kagandahan. Ito ay maaaring mauwi sa pagkakasadlak sa pangangalunya sa maraming antas. Kaya nararapat sa mananampalataya ang mangunyapit kay Allāh at ang makaibig doon alang-alang sa kaligtasan mula sa tukso ng mga babae.

التصنيفات

Ang mga Kahatulan Para sa mga Babae, Ang Pagpula sa Pag-ibig sa Kamunduhan