Ang Pagpula sa Pag-ibig sa Kamunduhan

Ang Pagpula sa Pag-ibig sa Kamunduhan

7- {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaupo isang araw sa mimbar at nakaupo kami sa paligid niya saka nagsabi siya: @"Tunay na kabilang sa pinangangambahan ko para sa inyo matapos ko ang pagbubuksan sa inyo na karangyaan ng Mundo at gayak nito."* Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, at nagdadala po ba ang kabutihan ng kasamaan?" Kaya natahimik ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka sinabi rito: "Ano ang pumapatungkol sa iyo? Kinakausap mo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi siya kumakausap sa iyo." Nakita namin na siya ay binababaan [ng kasi]. Pinahid niya sa kanya ang pawis saka nagsabi siya: "Nasaan ang tagapagtanong?" Para bang siya ay nagpuri rito. Saka nagsabi siya: "Tunay na hindi nagdadala ang kabutihan ng kasamaan. Tunay na mula sa pinatutubo ng tagsibol ay pumapatay o napipintong pumatay maliban sa tagakain ng Khaḍrā'. Kumain ito hanggang sa lumuwang ang dalawang tagiliran nito. Humarap ito sa mata ng araw saka dumumi ito, umihi ito, at nanginain ito. Tunay na ang yamang ito ay luntiang matamis. Kaya kay inam na kasamahan ng Muslim ito, na nagbibigay siya mula rito sa dukha, ulila, at kinapos sa landas." O gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang sinumang kumukuha nito nang walang karapatan dito ay gaya ng kumakain at hindi nabubusog. Magiging isang saksi ito laban sa kanya sa Araw ng Pagbangon."}