إعدادات العرض
Tunay na may mga lalaking gumugugol sa yaman ni Allāh nang walang katarungan kaya ukol sa kanila ang Impiyerno sa Araw ng Pagbangon."}
Tunay na may mga lalaking gumugugol sa yaman ni Allāh nang walang katarungan kaya ukol sa kanila ang Impiyerno sa Araw ng Pagbangon."}
Ayon kay Khawlah Al-Anṣārīyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na may mga lalaking gumugugol sa yaman ni Allāh nang walang katarungan kaya ukol sa kanila ang Impiyerno sa Araw ng Pagbangon."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Kurdî Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands සිංහල Hausa ไทย دری Fulfulde Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių or Română Kinyarwanda Српски O‘zbek Moore नेपाली Oromoo Wolof Soomaali Malagasy Български Українська Azərbaycan ქართული bm тоҷикӣ Македонскиالشرح
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga taong nangangasiwa sa mga ari-arian ng mga Muslim sa kawalang-kabuluhan at kumukuha sa mga ito nang walang katwiran. Ito ay pangkalahatang kahulugan kaugnay sa yaman sa punto ng pagtipon nito at pagkita nito nang hindi napahihintulutan at paggugol nito sa hindi mga tumpak na paglalaan nito. Napaloloob doon ang pakikinabang sa mga yaman ng mga ulila at mga yaman ng waqf (institusyong pangkawanggawa), ang pagkakaila sa mga ipinagkatiwala, at ang pagkuha – sa kabila ng hindi pagkakarapat-dapat – ng mga pampublikong yaman. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang ganti sa kanila ay ang Impiyerno sa Araw ng Pagbangon.فوائد الحديث
Ang yaman na nasa mga kamay ng mga tao ay yaman ni Allāh. Nag-iwan Siya sa kanila nito upang gumugol sila nito sa mga paraang isinasabatas at umiwas sila sa paggamit nito ayon sa kawalang-kabuluhan. Ito ay pangkalahatan sa mga tagapamahala at iba pa sa kanila kabilang sa nalalabi sa mga tao.
Ang paghihigpit ng Batas ng Islām kaugnay sa pampublikong yaman na ang sinumang nang-umit mula rito ng anuman ay tunay na siya tutuusin sa Araw ng Pagbangon sa pagbubuwis niya at paggugol niya.
Napaloloob sa bantang ito ang sinumang gumagamit nang paggamit na hindi legal sa yaman, maging ito man ay yaman niya o yaman ng iba pa sa kanya.