Iniisip ko na kayo ay nakarinig na si Abū `Ubaydah ay dumating na may dala mula sa Baḥrain

Iniisip ko na kayo ay nakarinig na si Abū `Ubaydah ay dumating na may dala mula sa Baḥrain

Ayon kay `Amr bin `Awf Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpadala kay Abū `Ubaydah Al-Jarrāḥ, malugod si Allah sa kanya, sa Baḥrayn upang kunin ang jizyah nito. Dumating siya na may dalang salapi mula sa Baḥrayn at narinig ng mga Anṣārīy ang pagdating ni Abū `Ubaydah. Ginampanan nila ang ṣalāh sa madaling-araw kasama ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Noong nakapagdasal na ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay lumisan siya. Hinarang nila ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, nang nakita niya sila. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Iniisip ko na kayo ay nakarinig na si Abū `Ubaydah ay dumating na may dala mula sa Baḥrain?" Nagsabi sila: "Siya nga po, o Sugo ni Allah." Kaya nagsabi siya: "Magalak kayo at asahan ninyo ang ikatutuwa ninyo sapagkat sumpa man kay Allah: hindi ang karalitaan ang kinatatakutan ko para sa inyo bagkus natatakot ako na ilahad ang mundo sa inyo gaya ng pagkalahad nito sa mga nauna sa inyo kaya magtatagisan kayo para rito gaya ng pagtatagisan nila para rito at ipahahamak kayo nito gaya ng pagpahamak nito sa kanila."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ipinadala ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, si Abū `Ubaydah malugod si Allah sa kanya sa Baḥrain upang kunin mula sa mga tagaroon ang jizyah. Noong dumating si Abū `Ubaydah malugod si Allah sa kanya sa Madīnah at narinig ng mga Anṣārīy iyon, pumunta sila sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagtipon sila sa kanya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa ṣalāh sa madaling-araw. Noong lumisan siya matapos ang ṣalāh ay hinarang niya sila. Ngumiti siya, sumakanya ang pangangalaga at ang pagpapala, dahil dumating silang nananabik sa salapi. Nagsabi siya sa kanila: "Marahil kayo ay nakarinig ng pagdating ni Abū `Ubaydah mula sa Baḥrain?" Nagsabi sila: "Siya nga po, o Sugo ni Allah." Binalitaan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng ikinagagalak nila. Ipinabatid niya, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, sa kanila na siya hindi nangangamba ng karalitaan para sa kanila dahil ang maralita sa kadalasan ay higit na malapit sa katotohanan kaysa sa mayaman, subalit siya ay natatakot na buksan sa kanila ang Mundo at masasadlak sila sa pagtutunggalian dahil dito. Hindi na sasapat sa tao sa sandaling iyon ang makakamit niya. Bagkus magnanais siya ng higit pa at higit pa sa anumang paraang ikapagtatamo niya ng salapi. Hindi siya papansin ng ḥalāl ni ḥarām. Walang duda na ito ay kabilang sa tagisang mapupulaang hahantong sa patuon sa kamunduhan at paglayo sa Kabilang-buhay. Mapapahamak sila gaya ng pagkapahamak ng nauna sa kanila.

التصنيفات

Ang Pagpula sa Pag-ibig sa Kamunduhan, Ang Pagkamadamayin Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan