Huwag ninyong kunin ang propyedad para magpakaibig kayo sa Mundo."}

Huwag ninyong kunin ang propyedad para magpakaibig kayo sa Mundo."}

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)': "Huwag ninyong kunin ang propyedad para magpakaibig kayo sa Mundo."}

[Maganda dahil sa iba pa rito]

الشرح

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagkuha ng propyedad, pataniman, at sakahan dahil ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagpapakaibig ng Mundo at pagsalig dito sa halip ng Kabilang-buhay.

فوائد الحديث

Ang pagsaway laban sa pagpaparami ng kamunduhan sa pamamagitan ng pagkauwi sa pagkabaling palayo sa Kabilang-buhay.

Hindi nasaad sa ḥadīth ang pagsaway laban sa pagkuha ng anumang mula rito ang kabuhayan. Ang pagsaway lamang ay laban sa pagkalublob sa Mundo at ang pagkalimot sa Kabilang-buhay.

Nagsabi si As-Sindīy: Ang ibig sabihin ay huwag kayong magpakagumon sa pagkuha ng propyedad para malibang kayo palayo sa pag-alaala kay Allāh.

التصنيفات

Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan, Ang Pagpula sa Pag-ibig sa Kamunduhan