إعدادات العرض
Tunay na kabilang sa pinangangambahan ko para sa inyo matapos ko ang pagbubuksan sa inyo na karangyaan ng Mundo at gayak nito
Tunay na kabilang sa pinangangambahan ko para sa inyo matapos ko ang pagbubuksan sa inyo na karangyaan ng Mundo at gayak nito
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaupo isang araw sa mimbar at nakaupo kami sa paligid niya saka nagsabi siya: "Tunay na kabilang sa pinangangambahan ko para sa inyo matapos ko ang pagbubuksan sa inyo na karangyaan ng Mundo at gayak nito." Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, at nagdadala po ba ang kabutihan ng kasamaan?" Kaya natahimik ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka sinabi rito: "Ano ang pumapatungkol sa iyo? Kinakausap mo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi siya kumakausap sa iyo." Nakita namin na siya ay binababaan [ng kasi]. Pinahid niya sa kanya ang pawis saka nagsabi siya: "Nasaan ang tagapagtanong?" Para bang siya ay nagpuri rito. Saka nagsabi siya: "Tunay na hindi nagdadala ang kabutihan ng kasamaan. Tunay na mula sa pinatutubo ng tagsibol ay pumapatay o napipintong pumatay maliban sa tagakain ng Khaḍrā'. Kumain ito hanggang sa lumuwang ang dalawang tagiliran nito. Humarap ito sa mata ng araw saka dumumi ito, umihi ito, at nanginain ito. Tunay na ang yamang ito ay luntiang matamis. Kaya kay inam na kasamahan ng Muslim ito, na nagbibigay siya mula rito sa dukha, ulila, at kinapos sa landas." O gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang sinumang kumukuha nito nang walang karapatan dito ay gaya ng kumakain at hindi nabubusog. Magiging isang saksi ito laban sa kanya sa Araw ng Pagbangon."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Kiswahili Português සිංහල Nederlands Tiếng Việt অসমীয়া ગુજરાતી አማርኛ پښتو ไทย മലയാളം नेपालीالشرح
Nakaupo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw sa mimbar habang nakikipag-usap sa mga Kasamahan niya saka nagsabi siya: "Tunay na ang higit na pinangangambahan ko at kinatatakutan ko para sa inyo matapos ko ay ang pagbubuksan sa inyo na mga pagpapala ng Daigdig, karangyaan ng Mundo, gayak nito, dilag nito, at anumang narito na mga uri ng mga tinatamasa, mga kasuutan, mga pananim, at iba pa sa mga ito kabilang sa bagay na nagmamayabang ang mga tao sa kagandahan nito sa kabila ng kakauntian ng pananatili." Kaya may nagsabing isang lalaki: "Ang karangyaan ng Mundo ay biyaya mula kay Allāh. Kaya mauuwi ba ang biyayang ito at magiging isang salot at isang kaparusahan?" Kaya sinisi ng mga tao ang tagapagtanong yayamang nakita nila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nanahimik. Nag-akala sila na ito ay nagpagalit sa kanya. Luminaw na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay binababaan ng pagkasi, pagkatapos nagsimula siyang nagpunas sa noo niya ng pawis saka nagsabi siya: "Nasaan ang tagapagtanong?" Nagsabi ito: "Ako po." Nagpuri siya kay Allāh at nagbunyi sa Kanya. Pagkatapos nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang tunay na kabutihan ay hindi nagdadala kundi ng kabutihan subalit ang karangyaang ito ay hindi isang kabutihang payak dahil sa kinahahantungan nito na tukso, tagisan, at pagkaabala rito sa halip ng kalubusan ng pagtuon sa Kabilang-buhay." Pagkatapos naglahad siya para roon ng isang paghahalintulad sapagkat nagsabi siya: "Tunay na ang halaman ng tagsibol at ang luntian nito, na isang uri ng halaman na kinalulugdan ng mga hayop saka pumapatay dahil sa dami ng pagkain dahil sa impatso o nalalapit sa pagpatay, maliban sa tagakain ng luntian, na kumain hanggang sa mapuno ang dalawang tagiliran ng tiyan nito saka humarap sa araw at naglabas ng dumi mula sa tiyan nito nang malambot o umihi. Pagkatapos nagpaangat ito ng nasa bituka nito saka ngumuya niyon, pagkatapos lumulon niyon, pagkatapos bumalik ito saka kumain ito." "Tunay na ang yamang ito ay gaya ng halamang luntiang matamis; pumapatay ito o nalalapit na pumatay dahil sa dami nito, malibang kapag nagkasya rito sa kaunti na hinihiling ng pangangailangan at natatamo dahil dito ang kasapatan sa paraang ipinahihintulot sapagkat tunay na ito ay hindi makapipinsala. Kay inam na kasamahan ng Muslim ito para sa sinumang nagbigay mula rito sa dukha, ulila, at kinapos sa daan. Ang sinumang kumukuha nito nang may karapatan dito ay pagpapalain dahil dito. Ang sinumang kumukuha nito nang walang karapatan dito, ang paghahalintulad sa kanya ay katulad ng kumakain at hindi nabubusog. Magiging isang saksi ito laban sa kanya sa Araw ng Pagbangon."فوائد الحديث
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nasaad dito ang kainaman ng yaman para sa sinumang kumuha nito at gumasta nito sa mga uri ng kabutihan.
Isang pagpapabatid mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kalagayan ng Kalipunan niya at kung ano ang pagbubuksan dito na gayak ng pangmundo at tukso nito.
Bahagi ng pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang paglalahad ng mga paghahalintulad para sa pagpapalapit ng mga kahulugan.
Ang paghimok sa kawanggawa at paggasta sa mga uri ng kabutihan at ang pagbibigay-babala laban sa pagmamaramot.
Nakukuha mula sa sabi niyang: "Tunay na hindi nagdadala ang kabutihan ng kasamaan" na ang panustos, kahit pa man dumami ito, ito ay bahagi ng kabuuan ng kabutihan. Nangyayari lamang dito ang kasamaan dahil sa pangyayari ng pagdadamot nito sa sinumang karapat-dapat dito at ng pagsasayang sa paggugol nito sa anumang hindi isinabatas. Ang bawat bagay ay itinadhana ni Allāh na ito ay maging kabutihan kaya ito ay hindi magiging kasamaan at bisebersa. Subalit kinatatakutan para sa sinumang tinustusan ng kabutihan na mangyari sa kanya sa paggamit nito ang nakapaghahatak para sa kanya ng kasamaan.
Ang pagwaksi sa pagmamadali sa pagsagot kapag nangangailangan ng pagbubulay-bulay.
Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Nakukuha mula rito ang apat na klase. 1. Ang sinumang kumain mula rito nang isang pagkaing nagpapakasarap na nagpapalabis na nagpapakagumon hanggang sa lumubo ang mga tadyang niya at hindi siya kumakalas kaya bibilis sa kanya ang kasawian. 2. Ang sinumang kumain gaya niyon subalit siya ay gumawa ng pag-iingat para maitulak ang karamdaman matapos na nakakontrol siya ngunit napanaigan siya kaya nagpasawi ito sa kanya. 3. Ang sinumang kumain gaya niyon subalit siya ay nagdali-dali sa pag-alis ng pumipinsala sa kanya at nagbabaling sa pagtulak nito hanggang sa natunaw [ng panunaw] kaya naligtas siya. 4. Ang sinumang kumakain nang hindi nagpapalabis ni nagpapakagumon at nagkasya lamang sa nagpipinid sa gutom niya at humahawak sa buhay niya. Ang una ay tulad ng tagatangging sumampalataya, Ang ikalawa ay tulad ng tagasuway na nalilingat sa pagkalas at pagbabalik-loob maliban sa sandali ng pagkaalpas nito. Ang ikatlo ay tulad ng nalilito na nagdadali-dali sa pagbabalik-loob kung saan magiging tanggap ito. Ang ikaapat ay tulad ng nagwawalang-halaga sa Mundo, na nakaiibig sa Kabilang-buhay.
Nagsabi si Al-Munīr: Sa ḥadīth na ito ay may mga uri ng mga pagwawangis bilang retorika. Ang una sa mga ito ay ang pagwawangis ng yaman at ang paglago nito sa gaya ng halaman at paglitaw nito. Ang ikalawa sa mga ito ay ang pagwawangis ng nagugumon sa pagkita at paggamit ng mga kadahilanan nito sa gaya ng mga hayop na nagugumon sa mga damo. Ang ikatlo sa mga ito ay ang pagwawangis ng pagpaparami rito at ang pag-iimbak para rito sa gaya ng kasibaan sa pagkain at pagpapakapuno rito. Ang ikaapat sa mga ito ay ang pagwawangis ng nagpapaluwal mula sa yaman sa kabila ng kabigatan nito sa mga sarili hanggang sa humantong sa pagpapalabis sa karamutan dito sa gaya ng inilalabas ng hayop na dumi, kaya naman dito ay may isang marikit na pagpapahiwatig ng pagsasamarumi nito ayon sa batas. Ang ikalima sa mga ito ay ang pagwawangis ng nagretiro sa pagkalap nito at pagtipon nito sa gaya ng tupa kapag nagpahinga ito at naglapag ng tagiliran nito habang nakaharap sa mata ng araw sapagkat iyon ay kabilang sa pinakamaganda sa mga kalagayan nito sa pananahimik at katiwasayan at mayroon ditong pagpapahiwatig sa pagkatamo nito ng mga kapakanan nito. Ang ikaanim sa mga ito ay ang pagwawangis ng kamatayan ng tagakalap ng yaman na tagapagkait sa gaya ng kamatayan ng hayop na nalilingat sa pagtulak ng nakapipinsala rito. Ang ikapito sa mga ito ay ang pagwawangis ng yaman sa gaya ng tagataglay na hindi nagagarantiyahan na hindi maging isang kaaway sapagkat tunay na ang yaman ay bahagi ng pumapatungkol dito na bantayan at higpitan ang pag-iingat dito dala ng pag-ibig dito at iyon ay humihiling ng pagkakait nito sa karapat-dapat dito kaya magiging kadahilanan ito ng parusa sa tagataglay nito. Ang ikawalo ay ang pagwawangis ng tagakuha nito nang walang karapatan sa gaya ng kumakain at hindi nabubusog.
Nagsabi si As-Sindīy: Kaya walang pagkaiwas sa pabatid mula sa dalawang bagay. Ang una sa dalawa ay ang pagtamo nito ayon sa tama rito. Ang ikalawa ay ang pag-uukol dito sa mga kinauukulan nito. Sa sandali ng pagkawala ng isa sa dalawang ito, ito ay magiging isang kapinsalaan. Maaaring sabihin: Dito ay may pahiwatig sa pagkakasabayan sa pagitan ng dalawang kondisyon, kaya naman hindi naitutuon sa tama ang tao sa pag-uukol sa mga kinauukulan malibang kapag nakuha niya ito ayon sa tama rito.