Kaingat! Tunay na ang mundo ay isinumpa. Isinumpa ang naroon maliban sa pag-alaala kay Allāh, pagkataas-taas Niya, anumang sinisinta Niya, nakaaalam, at nagpapakaalam.

Kaingat! Tunay na ang mundo ay isinumpa. Isinumpa ang naroon maliban sa pag-alaala kay Allāh, pagkataas-taas Niya, anumang sinisinta Niya, nakaaalam, at nagpapakaalam.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Kaingat! Tunay na ang mundo ay isinumpa. Isinumpa ang naroon maliban sa pag-alaala kay Allāh, pagkataas-taas Niya, anumang sinisinta Niya, nakaaalam, at nagpapakaalam."

[Maganda] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

الشرح

Ang mundo at ang anumang naroon na panghalina ay kinasusuklaman at pinupulaan ni Allāh, pagkataas-taas Niya, dahil ito ay nagpapalayo sa mga nilikha sa layon ng pagkakalikha sa kanila: ang pagsamba kay Allāh at ang pagganap ng Batas Niya, maliban sa pag-aalaala kay Allāh, pagkataas-taas Niya, anumang sinisinta Niya na mga pagsamba, at gayon din ang pagtuturo ng kaalaman at pagkatuto nito. [Ang mga ito] ay hindi kabilang sa kinamumuhian ni Allāh dahil ito ang layon ng paglalang ng mga nilikha.

التصنيفات

Ang Pagpula sa Pag-ibig sa Kamunduhan