Ang Mundo kung ihahambing sa Kabilang-buhay ay tulad ng paglalagay ng isa sa inyo ng daliri niya sa dagat, kaya pagmasdan niya kung ano ang ibinabalik nito.

Ang Mundo kung ihahambing sa Kabilang-buhay ay tulad ng paglalagay ng isa sa inyo ng daliri niya sa dagat, kaya pagmasdan niya kung ano ang ibinabalik nito.

Ayon kay Al-Mustawrid bin Shaddād, malugod si Allah sa kanya: "Ang Mundo kung ihahambing sa Kabilang-buhay ay tulad ng paglalagay ng isa sa inyo ng daliri niya sa dagat, kaya pagmasdan niya kung ano ang ibinabalik nito."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang kahulugan ng ḥadīth na ito: Na ikaw, kapag ninais mo na malaman ang reyalidad ng Mundo kung ihahambing sa Kabilang-buhay, ay maglagay ng daliri mo sa dagat. Pagkatapos ay iangat mo ito. Pagkatapos ay pagmasdan mo ang ibinabalik nito. Walang naibalik ito na anuman kung ihahambing sa dagat. Ito ang katuturan ng Mundo kung ihahambing sa Kabilang-buhay. Ang paghahambing sa kaiklian ng yugto ng Mundo at paglalaho ng mga sarap nito at pamamalagi naman ng Kabilang-buhay at pamamalagi ng mga sarap niyon at lugod doon. Ito ay tulad ng tubig na kumapit sa daliri kung ihahambing sa natitira sa dagat. Ang sabi Niya, pagkataas-taas Niya: "Ngunit ang kasiyahan ng pangmundong buhay kung ihahambing sa kabilang-buhay ay kakaunti." (Qur'an 9:38) Ang lahat ng ibinigay sa nilikha na lugod sa Mundo at sarap nito ay tinatamasa ng tao sa maikling panahon, na napapalamanan ng mga sumsira sa maligayang buhay, na nahahaluan ng mga panggambala. Ipinanggagayak ito ng tao sa katiting na panahon para magmayabang at magpakitang-tao. Pagkatapos ay maglalaho iyon nang mabilis at pasusundan ng panghihinayang at pagsisisi. "Ang ibinigay sa inyo na anuman ay kasiyahan ng buhay na makamundo at gayak nito. Ang nasa kay Allah ay higit na mabuti at higit na nagtatagal. Kaya hindi ba kaya uunawa?" (Qur'an 28:60) Kaya naman ang nasa kay Allah gaya ng mananatiling lugod, maalwang buhay, mga palasyo, at kagalakan ay higit na mabuti at higit na nagtatagal sa katangian at dami. Ito palagi magpakailanman.

التصنيفات

Ang Pagpula sa Pag-ibig sa Kamunduhan