إعدادات العرض
O Allah, walang pamumuhay kundi ang pamumuhay sa Kabilang-buhay. Kaya magpatawad Ka sa mga tagaadya at mga tagalikas."}
O Allah, walang pamumuhay kundi ang pamumuhay sa Kabilang-buhay. Kaya magpatawad Ka sa mga tagaadya at mga tagalikas."}
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "O Allah, walang pamumuhay kundi ang pamumuhay sa Kabilang-buhay. Kaya magpatawad Ka sa mga tagaadya at mga tagalikas."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Kurdî தமிழ் Magyar ქართული Kiswahili Română অসমীয়া ไทย Hausa Português मराठी دری አማርኛ ភាសាខ្មែរ ગુજરાતી Nederlands Македонски ਪੰਜਾਬੀالشرح
Nagpabatid ang Propeta (s) na walang tunay na pamumuhay kundi ang pamumuhay sa Kabilang-buhay sa kaluguran ni Allah, awa Niya, at Paraiso Niya dahil ang pamumuhay sa Mundo ay naglalaho at ang pamumuhay sa Kabilang-buhay ay ang mamamalaging mananatili. Pagkatapos dumalangin ang Propeta (s) ng kapatawaran, pagpaparangal, at kaayusan para sa mga Tagaadya na nagpatuloy sa kanya (s) at mga Tagalikas, nag-adya sa kanila, at nakihati sa kanila ng mga ari-arian ng mga ito. Dumalangin din siya para sa mga Tagalikas na nag-iwan ng mga tahanan nila habang naghahangad ng kabutihang-loob mula kay Allah at pagkalugod.فوائد الحديث
Ang pagwawalang-halaga ng Propeta (s) sa Mundo at ang pagtuon niya sa Kabilang-buhay.
Ang pagpapawalang-halaga ng Propeta (s) sa Kalipuna niya sa natatamasa sa Mundong maglalaho.
Ang paglilinaw sa kaigihan ng mga Tagalikas at mga Tagaadya yayamang nagtamo sila ng pagdalangin ng Propeta (s) ng kapatawaran para sa kanila.
Hindi natutuwa ang lingkod [ni Allah] ng natami niya mula sa Mundo sapagkat ay mabilis paglaho sa kabila ng narito na pagpapaalaala. Tanging ang tahanan ng pamamalagian at pagtitigilan ay ang Kabilang-buhay.
