إعدادات العرض
Talagang ngang nakita ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nananatili sa [buong] araw na namimilipit sa gutom; hindi siya nakatatagpo ng mahinang uri ng datiles na ipampupuno niya sa tiyan niya.

Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr, malugod si Allah sa kanya, nabanggit ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, ang dumapo sa tao [na hirap] sa Mundo at nagsabi siya: "Talagang ngang nakita ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nananatili sa [buong] araw na namimilipit sa gutom; hindi siya nakatatagpo ng mahinang uri ng datiles na ipampupuno niya sa tiyan niya."
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt Kurdîالشرح
Binanggit ni `Umar, malugod si Allah sa kanya, ang dumapo sa mga tao na hirap sa Mundo noong bago binuksan ni Allah sa kanila ang mga lugar at nakakalap sila ng mga samsam sa digmaan. Nagsabi siya: "Talaga nga nakita ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na namimilipit sa gutom. Hindi siya nakatatagpo ng ipampupuno sa tiyan niya, kahit mahinang uri ng datiles.