إعدادات العرض
O Ḥakīm, tunay na ang yamang ito ay kaakit-akit na matamis
O Ḥakīm, tunay na ang yamang ito ay kaakit-akit na matamis
Ayon kay Ḥakīm bin Ḥizām (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Humingi ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagbigay siya sa akin. Pagkatapos humingi pa ako sa kanya saka nagbigay siya sa akin. Pagkatapos nagsabi siya: "O Ḥakīm, tunay na ang yamang ito ay kaakit-akit na matamis. Kaya ang sinumang kumuha nito dala ng pagkamapagbigay ng sarili, pagpapalain siya dahil doon; at ang sinumang kumuha nito dala ng pag-iimbot ng sarili, hindi siya pagpapalain dahil doon. Siya ay naging gaya ng kumakain at hindi nabubusog. Ang mataas na kamay ay higit na mabuti kaysa sa mababang kamay." Nagsabi si Ḥakīm: "Kaya nagsabi ako: O Sugo ni Allāh, sumpa man sa Kanya na nagpadala sa iyo kalakip ng katotohanan, hindi ako mangunguha sa isa man matapos mo ng anuman hanggang sa makipaghiwalayan ako sa Mundo." Si Abū Bakr noon (malugod si Allāh sa kanya) ay nag-aanyaya kay Ḥakīm upang magbigay ito sa kanya ng kaloob ngunit umaayaw siya na tumanggap mula rito ng anuman. Pagkatapos, tunay na si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) ay nag-aanyaya sa kanya upang magbigay ito sa kanya ngunit umaayaw siya na tumanggap niyon. Kaya nagsabi ito: "O katipunan ng mga Muslim, tunay na ako ay nag-aalok sa kanya ng karapatan niya na ibinahagi ni Allāh para sa kanya mula sa samsam na ito ngunit umaayaw siya na kumuha nito." Kaya hindi nanguha si Ḥakīm sa isa man sa mga tao matapos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hanggang sa pinapanaw siya. Maawa sa kanya si Allāh.}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî தமிழ் Magyar ქართული Kiswahili Română অসমীয়া ไทย Português मराठी دری አማርኛ ភាសាខ្មែរ ગુજરાતી Nederlands Македонски ਪੰਜਾਬੀالشرح
Humingi si Ḥakīm bin Ḥizām (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa natatamasa sa Mundo saka nagbigay naman ito sa kanya. Pagkatapos humingi pa siya rito ng isa pa saka nagbigay naman ito sa kanya. Pagkatapos nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Ḥakīm, tunay na ang yamang ito ay ninanasang naiibigan. Kaya ang sinumang pinuntahan nito nang walang panghihingi at kumuha nito nang walang kasibaan ng sarili at pangungulit, pagpapalain siya dahil doon; at ang sinumang kumuha nito nang may pagmimithi at paghahangad, hindi siya pagpapalain dahil doon. Siya ay naging gaya ng kumakain at hindi nabubusog. Ang mataas na kamay na tagagugol ay higit na mabuti sa ganang kay Allāh kaysa sa mababang kamay na tagahingi." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, sumpa man sa Kanya na nagpadala sa iyo kalakip ng katotohanan, hindi ako magbabawas sa ari-arian ng isa man sa pamamagitan ng paghiling mula sa kanya matapos mo hanggang sa makipaghiwalayan ako sa Mundo." Ang Khalīfah ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya) ay nag-aanyaya noon kay Ḥakīm upang magbigay ito sa kanya ng kaloob ngunit umaayaw siya na tumanggap mula rito ng anuman. Pagkatapos, tunay na ang Pinuno ng mga Mananampalataya na si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) ay nag-aanyaya sa kanya upang magbigay ito sa kanya ngunit umaayaw siya na tumanggap niyon. Nagsabi si `Umar: "O katipunan ng mga Muslim, tunay na ako ay nag-aalok sa kanya ng karapatan niya na ibinahagi ni Allāh para sa kanya mula sa yaman ng samsam na ito na natamo para sa mga Muslim mula sa mga tagatangging sumampalataya nang walang digmaan ni pakikibaka ngunit umaayaw siya na kumuha nito." Kaya hindi nakabawas si Ḥakīm sa ari-arian ng isa man sa pamamagitan ng paghiling mula sa kanya matapos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hanggang sa pinapanaw siya (malugod si Allāh sa kanya).فوائد الحديث
Ang pagkuha ng yaman at ang pagtitipon nito sa pamamagitan ng mga pamamaraang isinasabatas ay hindi nakikipagkontrahan sa pagmamaliit sa Mundo dahil ang pagwawalang-halaga [sa kamunduhan] ay ang kagalantehan ng puso at ang kawalan ng pagkahumaling ng puso sa yaman.
Ang paglilinaw sa kadakilaan ng pagkamapagbigay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at na siya ay nagbibigay nang pagbibigay ng isang hindi natatakot sa karalitaan magpakailanman.
Ang pagkakaloob ng payo at ang pagsisigasig sa pagpakinabang sa mga kapatid sa sandali ng paghahain ng tulong dahil ang sarili ay nakalaan sa pakikinabang sa kaaya-ayang pananalita.
Ang pagpipigil sa paghingi sa mga tao at ang pagpapalayo ng loob dito lalo na sa hindi pangangailangan.
Nasaad dito ang pagpula sa pagsisigasig sa yaman at dalas ng paghingi.
Ang tagahingi, kapag nangulit sa paghingi, ay walang masama sa pagtanggi sa kanya, pagbigo sa kanya, pangangaral sa kanya, at pag-uutos sa kanya sa pagpipigil at pagwaksi sa sigasig sa pagkuha.
Hindi nagigindapat ang isa sa pagkuha ng anuman mula sa kaban ng bayan malibang matapos na nagbigay sa kanya ang pinuno. Hinggil naman sa bago ng paghahati ng samsam, hindi iyon karapat-dapat sa kanya.
Ang pagpayag sa paghingi dahil sa pangangailangan.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Nasaad na nararapat sa pinuno na hindi maglinaw sa tagahiling ng nasa panghihingi nito na kasiraan malibang matapos ng pagtugon sa pangangailangan nito upang magkintal ang pangangaral niya rito ng pagkakintal upang hindi ito magpala-palagay na iyon ay isang kadahilanan sa pagkait sa kanya ng pangangailangan niya.
Ang kalamangan ni Ḥakīm (malugod si Allāh sa kanya) at ang pananatili niya sa kasunduan kay Allāh at sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Nagsabi si Isḥāq bin Rāhawayhi: Namatay si Ḥakīm (malugod si Allāh sa kanya) nang siya ay talagang kabilang sa pinakamarami sa Liping Quraysh sa yaman.
