May dalawang pangungusap na magaan sa dila, na mabigat sa timbangan [ang gantimpala], na kaibig-ibig sa Napakamaawain

May dalawang pangungusap na magaan sa dila, na mabigat sa timbangan [ang gantimpala], na kaibig-ibig sa Napakamaawain

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May dalawang pangungusap na magaan sa dila, na mabigat sa timbangan [ang gantimpala], na kaibig-ibig sa Napakamaawain: Subḥana –llāhi –l-`aḍ̆īm (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Sukdulan) at Subḥana –llāhi wa-biḥamdih (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya)."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa dalawang pangungusap na mabibigkas ng tao nang walang hirap at sa bawat kalagayan, na ang dalawang ito ay sukdulan sa pabuya sa timbangan [ng mga gawa] at na ang Panginoon natin, ang Napakamaawain (napakamapagpala Siya at napakataas), ay nakaiibig sa dalawang ito: Subḥana –llāhi –l-`aḍ̆īm (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Sukdulan) at Subḥana –llāhi wa-biḥamdih (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya). Dahil naglalaman ang dalawang ito ng paglalarawan kay Allāh ng kasukdulan at kalubusan at ng pagpapawalang-kinalaman sa Kanya ng mga kakulangan (napakamapagpala Siya at napakataas).

فوائد الحديث

Ang pinakasukdulang dhikr ay natitipon dito ang pagpapawalang-kinalaman kay Allāh sa kakulangan at ang pagbubunyi sa Kanya.

Ang paglilinaw sa lawak ng awa ni Allāh sa mga lingkod Niya sapagkat Siya ay gumaganti sa kaunting gawa ng masaganang gantimpala.

التصنيفات

Ang mga Dhikr na Walang Takda