إعدادات العرض
Ang sinumang pinagkaitan ng kabaitan, pinagkaitan siya ng kabutihan."}
Ang sinumang pinagkaitan ng kabaitan, pinagkaitan siya ng kabutihan."}
Ayon kay Jarīr (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang pinagkaitan ng kabaitan, pinagkaitan siya ng kabutihan."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Kurdî Português தமிழ் አማርኛ অসমীয়া Kiswahili ગુજરાતી Nederlands پښتو नेपाली Hausa മലയാളം Svenska ไทย Кыргызча Română Malagasy ಕನ್ನಡ Српски తెలుగు ქართული Mooreالشرح
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang pinagkaitan ng kabaitan kaya hindi siya itinuon para rito sa mga nauukol sa buhay panrelihiyon at buhay pangmundo, sa ginagawa niya rito para sa sarili niya, at sa ginagawa niya rito sa iba sa kanya, pinagkaitan nga siya ng kabutihan sa kabuuan nito.فوائد الحديث
Ang kainaman ng kabaitan, ang paghimok sa pagsasakaasalan nito, at ang pagpula sa karahasan.
Ang kabaitan ay may pagsasaayos ng kabutihan sa Mundo at Kabilang-buhay at pagpapalawak sa nauukol sa dalawang ito. Sa karahasan ay may kasalungatan niyon.
Ang kabaitan ay inireresulta ng kagandahan ng kaasalan at kaligtasan samantalang ang karahasan ay inireresulta ng galit at kagaspangan. Dahil dito nagbunyi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kabaitan at nagpalabis dito.
Nagsabi si Sufyān Ath-Thawrīy (kaawaan siya ni Allāh) sa mga kasamahan niya: "Nakaaalam ba kayo kung ano ang kabaitan? Ito ay na maglagay ka ng mga bagay sa mga kalalagyan ng mga ito: ang katindihan sa kalalagyan nito, ang kabanayaran sa kalalagyan nito, ang tabak sa kalalagyan nito, at ang latigo sa kalalagyan nito."
التصنيفات
Ang Etikang Kapuri-puri