إعدادات العرض
1- Si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, malugod si Allah sa kanya, ay may isang alipin noon na nagdadala sa kanya ng kita. Si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq noon ay kumakain mula sa kinita nito.
2- Ang babaing kamelyo noon ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na si Al-`Aḍbā’, ay hindi nauunahan
3- Kami noon, kapag umakyat kami, ay nagdadakila, at kapag bumaba kami, ay nagluluwalhati.
4- O mga tao, maghinay-hinay kayo sa mga sarili ninyo sapagkat tunay na kayo ay hindi dumadalangin sa bingi ni sa nakaliban. Tunay na Siya ay kasama ninyo. Tunay na Siya ay nakaririnig, malapit.
5- Walang Muslim na dumadalaw sa isang Muslim na maysakit sa umaga malibang dadalangin ng pagpapala para sa kanya ang pitumpong libong anghel
6- Ang sinumang magsabi ng Lā ilāha illa -llāhu wa -llāhu akbar (Walang Diyos kundi si Allah at si Allah ay Pinakadakila), patotohanan ito ng Panginoon nito at magsasabi naman Siya ng Lā ilāha illā anā wa anā akbar (Walang Diyos kundi Ako at Ako ay Pinakadakila).
7- Kapag nagnais si Allāh sa mga tao ng parusa, dadapuan ng parusa ang sinumang nasa kanila. Pagkatapos ay bubuhayin sila ayon sa mga gawa nila.
8- Si Abū Ṣāliḥ noon ay nag-uutos sa amin, kapag nagnais ang isa sa amin na matulog, na mahiga sa kanang tagiliran niya.
9- Ito ay isang awa na inilagay ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa mga puso ng mga lingkod Niya. Naaawa si Allah sa mga lingkod Niyang maaawain lamang.
10- Kapag nagpakalapit ang tao sa Akin ng isang dangkal, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang siko. Kapag nagpakalapit siya sa Akin ng isang siko, magpapakalapit Ako sa kanya ng isang dipa. Kapag pinuntahan niya Ako nang naglalakad, pupuntahan Ko siya nang payagyag.
11- Napadaan ang isang lalaki sa sanga ng isang punongkahoy na umaabot sa gitna ng daan. Nagsabi siya: 'Sumpa man kay Allāh, talagang aalisin ko nga ito para sa mga Muslim upang hindi makapinsala sa kanila,' kaya ipinasok siya sa Paraiso.
12- Huwag ninyo angkinin ang nayon at mapaibig kayo sa mundo
13- Gumuhit ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng mga guhit at nagsabi: 'Ito ang tao at ito ang taning niya at habang siya ay ganoon, dumating pala ang guhit na pinakamalapit.'
14- Ang pinakabulaan sa mga kabulaanan ay na magkunwari ang lalaki na nakita ng mga mata niya ang hindi naman nakita ng mga ito.
15- Ayon kay Asma`-malugod si Allah sa kanya-:Na ang isang babae ay nagsabi: O Sugo ni Allah,Tunay na mayroon akong (kasamang pangalawang asawa ng asawa ko);magkakaroon ba ako ng kasalanan kung magkukunwari akong busog sa asawa ko sa hindi naman niya ibinibigay sa akin?Ang sabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Ang nagkukunwaring busog sa hindi naman ibinigay sa kanya ay tulad ng nagsusuot sa damit na hindi totoo.
16- Hindi nararapat sa isang matapat na siya ay maging palasumpa.
17- Huwag ninyong isumpa ang bawat isa sa sumpa ni Allah,at sa poot Niya,at sa naglalagablab na apoy Niya.
18- Ayon kay `Imraan bin Husain-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya:Habang ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nasa ilang lakad nito,at ang isang babae mula sa Ansar na nasa kamelyo,Nagalit siya rito, at Isinumpa niya ito(kamelyo),Narinig ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsabi siya:((Kunin ninyo ang mga gamit rito at pakawalan ninyo ito,sapagkat ito ay isinumpa))Nagsabi si Emran:Para kung nakikita ngayon,na naglalakad ito sa mga tao at walang pumapansin rito kahit na isa.
19- Ayon kay Abe Barzah Nadhlah bin Ubayd Al-Aslamie-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Habang ang isang babae ay nasa kamelyo dala nito ang ilan sa mga bagahe ng mga tao,at nakita siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at naging makitid para sa kanila ang bundok,nagsabi siya:(Hal)-Solusyunan,O Allah sumpain mo siya.Kaya nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Hindi isinasama sa atin ang kamelyo na may sumpa.))
20- Ang Oxus, ang Jaxartes, ang Yufrates, at ang Nilo ay lahat mula sa mga ilog ng Paraiso.
21- Tunay na ang demonyo ay nagsabi: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, o Panginoon ko, hindi ako titigil sa pagliligaw ko sa mga lingkod Mo hanggat nananatili ang mga kaluluwa nila sa mga katawan nila." Nagsabi ang Panginoon: "Sumpa man sa kapangyarihan Ko at kapitaganan Ko, hindi Ako hihinto sa pagpapatawad Ko sa kanila hanggat humihingi sila ng tawad sa Akin."
22- Pangilagan ninyo ang mga panalangin ng naapi sapagkat tunay na ang mga ito ay umaakyat sa langit na para bang ang mga ito ay mga dagitab."
23- Nagbangayan ang Paraiso at ang Impiyerno kaya nagsabi ang Impiyerno: "Inilaan ako para sa mga nagmamalaki at nagpapakapalalo." Nagsabi ang Paraiso: "Ano ang nangyari sa akin: walang pumapasok sa akin kundi ang mahihina sa mga tao, ang mga hamak sa kanila, at ang mga masa sa kanila."
24- May dalawang harding yari sa pilak ang mga sisidlan ng dalawang ito at ang anumang nasa dalawang ito. May dalawang harding yari sa ginto ang mga sisidlan ng dalawang ito at ang anumang nasa dalawang ito. Walang nasa pagitan ng mga tao at pagtingin nila sa Panginoon nila malibang ang balabal ng kadakilaan sa mukha Niya sa Paraiso ng Eden.
25- Tunay na ang pinakamababang kalagayan ng isa sa inyo sa Paraiso ay na magsasabi [si Allah] sa kanya: Magmithi ka! Kaya magmimithi siya. Magmimithi siya at magsasabi sa kanya: Nagmithi ka ba? Kaya magsasabi siya: Opo. Kaya sasabihin sa kanya: Tunay na ukol sa iyo ang minithi at ang tulad nito kasama nito.
26- Tunay na sa Paraiso ay may isang punong-kahoy na makapaglalakbay ang sumasakay sa kabayong mahusay na mabilis ng isandaang taon nang hindi natatawid ito.
27- Tunay na sa Paraiso ay may isang tagpuan na pinupuntahan nila tuwing Biyernes.
28- Ang sinumang pumatay ng isang tuko sa unang palo ay magsusulat para sa kanya ng isandaang magandang gawa; sa ikalawang palo ay [magkakamit] ng mababa roon; at sa ikatlongng palo ay [magkakamit] ng mababa roon.
29- At ayon kay Abe Saed Al-Khudrie ,malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: Dumating ang isang babae sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pngalagaan-Nagsabi siya:O Sugo ni Allah,pumunta ang mga kalalakihan dahil sa mga salita mo,Pumili ka sa amin mula sa sarili mo ng isang araw na pupunta kmi sa iyo rito at ituturo mo sa amin ang mula sa itinuro sa iyo ni Allah,Nagsabi siya:((Magtipon-tipon kayo sa araw na ganito at ganito)),At nagtipon-tipon sila ,at dumating sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at tinuruan niya sila mula sa itinuro sa kanya ni Allah,pagkatapos ay nagsabi siya:((Wala mula sa inyo na isang babae na nakapagbigay ng tatlo mula sa kanyang anak maliban sa silay magiging pantakip sa impyerno)) Nagsabi ang isang babae: At kung dalawa? Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(( At ang dalawa)).Napagkaisahan ang katumpakan
30- Kapag namatayan ang isa sa mga Muslim ng tatlo sa mga anak, hindi siya sasalingin ng apoy [ng Impiyerno] maliban sa pagpapatupad sa sinumpaan.
31- Sinumang Muslim na namatayan ng tatlong anak na hindi pa tumuntong sa ganap na gulang, papapasukin ito ni Allah sa Paraiso dahil sa kalamangan ng awa Niya sa kanila.
32- Kapag nagsabi ang isang lalaki na nasawi ang mga tao,siya ay higit na [naging] sawi sa kanila
33- Ang naglalaitan sa sinasabi nila, nasa nagpasimula sa kanilang dalawa [ang kasalanan] hanggang hindi nagmamalabis ang naapi.
34- Ayon kay Ibnu Mas-ud malugod si Allah sa kanya,katotohan na dumating sa kanya ang lalaki at sinabi sa kanya: iyan si pulano,pumapatak sa balbas niya ang alak,Nagsabi siya: Katotohanan na ipinagbawal sa atin ang paniniktik,ngunit kapag lumitaw sa atin ang ilan sa mga ito(katibayan),ay paparusahan natin siya dahil dito.Hadith na mabuti tumpak,Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud sa isnad na ayon sa Kondisyon ni Imam Al-Bukharie at Imam Muslim.
35- Hindi ipinapahintulot sa isang Muslim na lumikas siya sa kapatid niya nang mahigit sa tatlong araw,ang sinuman ang lumikas ng mahigit sa tatlong araw at siya ay namatay,Siya ay papasok sa Impiyerno
36- Ayon kay Hesham bin Hakim bin Hizam-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Katotohanan na siya ay dumaan sa Shaam sa mga Taong magsasaka,at tunay na pinatindig sila sa araw,at ibinuhus sa mga ulo nila ang langis! Nagsabi siya; Ano ito? Sinabi sa kanya;Pinaparusahan sila sa kanilang Tungkulin-at sa isangsalaysay-pinaparusahan sila dahil sa Buwis,Sumasaksi ako na narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi; (( Katotohanan si Allah ay magpaparusa sa sinumang magparusa sa mga Tao sa Mundo)) Pumasok siya sa Pinuno,at sinabi niya ito,ipinag-utos nito sa kanila,at pinalaya sila.Isinaysay ito ni Imam Muslim (Magsasaka); Magsasakang hindi Arabo
37- Ang sinumang namalo ng isang alipin niya dahil sa kasalanang hindi nito ginawa o sinampal ito, tunay ang panakip-sala niya ay palayain ito.
38- Ano ang mayroon kayo at mayroon ang mga pagtitipon sa mga daan? Iwasan ninyo ang mga pagtitipon sa mga daan.
39- Tunay na ang una sa mga tao na hahatulan sa Araw ng Pagkabuhay ay isang lalaking pinatay na martir. Ihahatid siya. Ipaaalam sa kanya ni Allah ang biyaya sa kanya at malaman niya iyon. Magsasabi si Allah: Kaya ano ang ginawa mo sa [biyayang] iyon? Magsasabi siya: Nakipaglaban ako alang-alang sa Iyo hanggang sa napatay akong martir.
40- Ano pa ang tingin mo sa lalaking gumagawa ng gawang kabilang sa kabutihan at pinupuri siya ng mga tao dahil doon? Nagsabi siya: Iyon ay maagang magandang balita sa Mananampalataya.
41- Ang kabanalan ng mga maybahay ng mga nakikibaka para sa mga nananatili ay gaya ng kabanalan ng mga ina nila.
42- {Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa tingin ng pagkabigla kaya nag-utos siya sa akin na magbaling ako ng paningin ko.}
43- takpan ninyo ang mga lalagyan,at itali ninyo ang mga lalagyan ng tubig,isara ninyo ang mga pintuan,at patayin ninyo ang mga ilaw,Dahil hindi makakalagan ni Satanas ang mga [nakataling] lalagyan ng mga tubig,at hindi niya mabubuksan ang mga pintuan,at hindi niya matatanggal ang mga [takip] ng lalagyan
44- O mga tao, ang sinumang nakaalam ng anuman ay magsabi nito, at ang sinumang hindi nakaalam ay magsabi ng Allāhu a`lam (Si Allah ay higit na nakaaalam) sapagkat tunay na bahagi ng kaalaman na magsabi sa anumang hindi nalalaman ng Allāhu a`lam (Si Allah ay higit na nakaaalam).
45- Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal na magsuot ng sapatos ang tao nang nakatayo.
46- Huwag mong alipustain ang lagnat sapagkat tunay na ito ay nag-aalis ng mga kasalanan ng mga anak ni Adan gaya ng pag-aalis ng bulusan ng dumi ng bakal.
47- Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-utos na dilaan ang mga daliri at ang plato at nagsabi siya: "Tunay na kayo ay hindi nakaaalam kung sa aling bahagi ang biyaya."
48- Afṭara `indakumu ṣṣā'imūna wa akala ta`āmakumu l'abrāra wa ṣallat `alaykumu lmalā'ikah. (Nagsagawa ng ifṭār sa piling ninyo ang mga nag-aayuno, kumain ng pagkain ninyo ang mga nagpapakabuti, at dumalangin para sa inyo ang mga anghel.)
49- Tunay na si Allah ay hindi kumukuha ng kaalaman sa paraang hinahablot Niya ito mula sa mga tao, subalit kinukuha niya ang kaalaman sa pamamagitan ng pagkuha sa mga maalam
50- Nagsabi si Allah-pagkataas-taas Niya: Inihanda ko sa matutuwid kong alipin ang hindi kailanman nakita ng mata,at hindi kailanman narinig ng tainga,at ni hindi kailanman dumaan sa puso ng tao.At basahin ninyo kung gustuhin ninyo ang : { At walang kaluluwa ang nakakaalam kung ano ang kaginhawahan ng mga mata na inilingid sa kanila,bilang gantimpala sa [mabubuti] nilang ginagawa}
51- Sinuman ang magsabi ng :Ako ay humuhingi ng Kapatawaran sa Allah,Na Wala ng ibang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya,Ang may Walang-hanggang buhay,Ang may Walang hanggang Kapangyarihan,At nagbabalik-loob ako sa Kanya)) Patatawarin ang mga kasalanan niya,;Kahit pa siya ay tumalikod [ sa oras ng pakikibaka sa landas ni Allah] sa Hukbong sandatahan [ng kalaban].))
52- Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nanalangi ng isang buwan pagkatapos yumuko,Nanalangin siya sa mga tribu mula sa mga Anak ni Sulaym,Nagsabi siya: Nagpadala siya ng Apatnapo-o Pitumpo nag-aalinlangan siya rito-mula sa mga [mahusay na]Tagabasa[ at nakasa-ulo ng Qur-an] sa mga tao na Walang pananampalataya,ipinadala sila sa kanila,ngunit pinatay lang sila,At sa pagitan nila at pagitan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay Kasunduan,Hindi kopa siya nakitang magalit sa isang tao tulad ng pagkagalit niya sa kanila.
53- Si Fātimah ay bahagi ko,sinuman ang nagpagalit sa kanya,ay pinagalit niya ako
54- Katotohanan sa bawat Ummah [Henerasyon] ay may mapagkakatiwalaan, At Katotohanang Ang pinagkakatiwalaan namin sa Ummah [Henerasyon] na ito ay si Abu `Ubaydah bin Al-Jarah
55- Tunay na sa bawat Propeta ay may taga-pagligtas at ang aking Taga-pagligtas ay si Zubayr
56- Si Zubair ay anak ng aking tiyahin at kaibigan o kasama ko mula sa aking mga tauhan
57- Katotohanang ang libingan ay ang unang tahanan mula sa mga tahanan sa Kabilang-buhay,kapag naligtas siya rito,ang mga susunod dito ay higit na magaan, at kapag hindi siya naging ligtas rito, ang mga susunod dito ay higit na mahirap
58- (Magdasal kayo nang dasal na ganito sa oras na ganito,at magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at kapag dumating ang oras ng pagdarasal,tumawag ng Azān ang isa sa inyo at manguna sa inyo ( sa pagdarasal) ang may pinakamarami sa inyong (naisa-ulo) mula sa Qur-an
59- O Allah! Gawin Mong sa puso ko ay may liwanag at sa paningin ko ay may liwanag,at sa pandinig ko ay may liwanag,at sa bandang kanan ko ay may liwanag,at sa bandang kaliwa ko ay may liwanag,at sa itaas ko ay may liwanag,at sa ilalim ko ay may liwanag,at sa harapan ko ay may liwanag,at sa likod ko ay may liwanag,At gawin Mo sa akin ang liwanag
60- Hindi ako umiiyak dahil hindi ko Alam na kung ano ang nasa kay Allah-Pagkataas-taas Niya ay higit na mainam para sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Datapuwat umiiyak ako dahil ang Pagpapahayag ay tuluyan ng naputol mula sa kalangitan,Naapektohan silang dalawa sa pag-iyak,Hanggang sa umiyak silang dalawa kasama niya.
61- Magiging tagapagbantay ako ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw na ito,Dumating si Abu Bakar-at itinulak niya ang pintuan,Sinabi ko: Sino iyan: Nagsabi siya: Si Abu Bakar,Sinabi kong: Maghintay ka,Pagkatapos ay pumunta ako [sa Propeta] sinabi ko:O Sugo ni Allah! Andito si Abu Bakar,nagpapaalam [na pumasok], Nagsabi siya:((Pahintulutan mo siya at iparating mo sa kanya [ang magandang balita] na siya ay mananahanan sa Paraiso))
62- Nag-eklips ang araw noong panahon ng sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya`t napatayo siya na nasisindak,natakot siya na dumating na ang huling sandali,hanggang sa dumating siya sa masjid at tumayo siya,nagdasal ng may pinakamahabang pagtayo at pagpapatirapa,na hindi ko nakita sa dasal niya kailanman,pagkatapos ay nagsabi siya:Tunay na ang mga tanda na ito na ipinadadala ni Allah-kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan,ay hindi dahil sa kamatayan ng isang tao o dahil sa pagkabuhay niya,bagkus ipinadadala ni Allah ang mga ito upang gisingin ang takot sa pamamagitan nito ng mga lingkod niya,kaya`t kapag nakakita kayo mula rito ng anuman,magmadali kayo sa pag-alala kay Allah,pagdalangin sa kanya at paghingi ng tawad sa kanya.
63- Nagbili ang lalaki sa isang lalaki ng ari-arian,natagpuan ng bumili ng ari-arian sa ari-arian nito ang garapon na naglalaman ng ginto.Ang sabi ng nakabili ng ari-arian;Kunin mo ang ginto mo,dahil ang binili kolang ay ang lupa mo at hindi ko binili ang ginto,Ang sabi ng may-ari ng lupa:Ang ibininta ko sa iyo ay ang lupa at ang napapaloob dito.Nagpahatol sila sa isang lalaki:Ang sabi ng naghatol sa kanilang dalawa:Mayron ba kayong anak?Nagsabi ang isa sa kanilang dalawa:mayroon akong binata,At ang sabi ng ikalawa:mayroon akong dalaga.Nagsabi siya:Ipaasawa ninyo ang binata sa dalaga,at gumugol kayo sa kanilang dalawa mula sa ginto at magkawang-gawa kayo.
64- Nagsabi si Allah-Pagkataas-taas Niya-: Nararapat ang pagmamahal ko para sa mga [taong] nagmamahalan para sa akin,at para sa mga [taong] nagsisi-upuan para sa akin,at para sa mga [taong] nagbibisatahan para sa akin,at para sa mga [taong] nagtutulungan para sa akin,
65- Si Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-kapag dumarating sa kanya ang mga tumutulong mula sa Yaman,tinatanong niya sila,kabilang ba sa inyo Uways bin A`mer?hanggang sa dumating siya kay Uways-malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya sa kanya:Ikaw ba si Uwais bin A`mer?Nagsabi siya: Oo,Sinabi niya:Mula sa tribo ng Murad na nagmula pa sa Qarn?Nagsabi siya: Oo,Sinabi niya:Nagkaroon ka noon ng ketongin at gumaling ka dito,maliban sa parte na kasin-laki ng Dirham,?Nagsabi siya:Oo,Sinabi niya: Mayroon kapang ina?Nagsabi siya:Oo,Sinabi niya:Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:(( Darating sa inyo si Uways bin A`mer kasama ang mga tumutulong mula sa Yaman mula sa tribo ng Murad na nagmula pa sa Qarn,Nagkaroon siya dati ng ketongin at gumaling siya mula dito maliban sa parte na kasin-laki ng dirham,mayroon siyang Ina at nagpapamalas siya ng kabutihan sa kanya ,at kung susumpa siya sa Allah(na matupad ang mga mabuting bagay na hinihiling nito) ay pagbubutihin ito,kaya`t kung kaya mong humungi siya ng kapatawaran para sa iyo kay Allah,ay gawin mo)),kaya`t humingi ka ng kapatawaran para sa akin kay Allah,At humingi siya ng kapatawaran para sa kanya kay Allah,Nagsabi sa kanya si Umar: Saan mo gustong pumunta?Sinabi niya: Sa Ku`fah.
66- Hindi ko narinig si `Umar, malugod si Allah sa kanya, na nagsasabi sa isang bagay kailanman: Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na ito ay ganito, malibang ito ay gaya ng ipinagpapalagay niya.
67- Katotohanan ang pinakamahusay sa mga mabubuting gawain ay ang mabuting pakikitungo nang isang lalaki sa pamilya ng matalik na kaibigan ng ama niya
68- O malaking tiyan, lumalabas lamang kami sa umaga alang-alang sa pagbati at binabati namin ang sinumang makatagpo namin.
69- May dumating na mga tao sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsabi: "Magpadala ka kasama namin ng mga lalaking magtuturo sa amin ng Qur'ān at Sunnah." Kaya nagpadala siya sa kanila ng pitumpong lalaking kabilang sa Anṣār, na tinatawag silang ang mga tagabigkas. Kabilang sa kanila ang tiyuhin kong si Ḥarām.
70- Tunay na si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay nag-utos sa akin na bigkasain ko sa iyo ang "Lam yakuni -lladhīna kafarū..."
71- Ayon kay Ibni Umar malugod si Allah sa kanilang dalawa-Na ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi:(Na ang isang alipin kapag pinayuan ng pinuno niya at pinagbuti ang pagsamba niya kay Allah ay mapapasa-kanya ang gantimpala nito na dalawang beses.)) Ayon kay Abe Musa Al-Ash-arie malugod si Allah sa kanya ay nagsabi,sinabi ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Ang alipin na pinagbubuti nito ang pagsamba kay Allah,at ginagampanan nito sa pinuno niya ang karapatan nito sa kanya at ang pagpapayo at ang pagkamasunurin,mapapasa kanya ang dalawang gantimpala.))
72- nagtatalaga lamang [ako] sa mga tao sa inilagay ni Allāh sa mga puso nila na kasapatan at kabutihan; kabilang sa kanila si `Amr bin Taghlib.
73- Hindi nagagantihan ng isang anak ang isang magulang malibang matagpuan niya ito na isang alipin at bibilhin niya ito at palalayain niya ito.
74- O Sa`d bin Mu`ādh, ang Paraiso, sumpa man sa Panginoon ng Ka`bah, tunay na ako ay nakalalanghap ng halimuyak nito sa paanan ng Uḥud
75- Magaling! Iyon ay ari-ariang tutubo! Iyon ay ari-ariang tutubo! Narinig ko nga ang sinabi mo. Tunay na ako ay nagtuturing na ilaan mo ito sa mga kaanak.
76- Sa mga nauna sa inyo noon ay may isang lalaki noon na pumatay ng siyamnapu't siyam na tao. Nagtanong siya tungkol sa pinakamaalam sa mga naninirahan sa lupa. Pinatnubayan siya sa isang monghe. Pinuntahan niya ito. Nagsabi siya: 'Tunay na siya ay nakapatay ng siyamnapu't siyam na tao, kaya mayroon pa ba siyang pagbabalik-loob?' Nagsabi ito: 'Wala na.'
77- "Tunay na ang demonyo ay dumadaloy mula sa anak ni Adan gaya ng pagdaloy ng dugo at tunay na ako ay natakot na pumukol siya sa mga puso ninyong dalawa ng kasamaan," o nagsabi siya: "...ng anuman."
78- O Allah, pagalingin mo si Sa`d, o Allah pagalingin mo si Sa`d
79- si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, ay nagtakda noon para [sa bawat isa] sa mga naunang nagsilikas ng apat na libong [dirham]
80- At ayon kay Hamām bin Al-Hārith,buhat kay Meqdād-malugod si Allah sa kanya-Katotohanang ang isang lalaki ay pinupuri si 'Uthmān-malugod si Allah sa kanya-sinadya siya ni Meqdad,at umupo siya sa kanyang dalawang tuhod,at binabato niya sa mukha niya ang maliliit na bato,Nagsabi sa kanya si 'Uthmān:Ano ang nangyayari sa iyo? Nagsabi siya:Katotohanan ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi:(( Kapag nakita ninyo ang mga namumuri,ibato ninyo sa mga mukha nila ang lupa)) Isinaysay ni Imām Muslim
81- Habang ang isang lalaki ay naglalakad sa isang sakahan na lupa
82- Tunay na sila ay nagpapili sa akin: na humingi sila sa akin nang labis-labis o ituring nila akong maramot gayong ako ay hindi nagmamaramot.
83- Sumpa man sa Kanya na ang kululuwa ko ay nasa kamay Niya, kung sakaling mananatili kayo sa kung ano kayo sa piling ko at sa pag-alaala [kay Allah], talagang kakamayan kayo ng mga anghel sa mga higaan niya at sa mga daan ninyo, ngunit o Ḥanđalah may oras [para sa Mundo] at may oras [para sa dasal].
84- Ang kuwento ng pagyao ni Az-Zubayr bin Al-`Awām, malugod si Allāh sa kanya, at ang pagbayad sa utang niya.
85- Dumating ang isang lalaki sa propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:at nagsabi: Ako ay pagod.
86- Tunay na ang pagkakahati-hati ninyo sa mga daanan [sa bundok] at mga lambak na ito, iyon lamang ay mula sa Demonyo
87- Ang pag-antala ng may-kaya (sa kanyang utang) ay pang-aapi o kawalan ng katarungan, at kapag ipinasunod ang isa sa inyo sa taong may kaya, ay dapat siyang sumunod.
88- Noong dumating ang mga mamamayan ng Yemen, nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Dumating nga sa inyo ang mga mamamayan ng Yemen.
89- At Ayon kay Anas bin Sērēn,nagsabi siya:Kasama ko si Anas bin Mālik malugod si Allah sa kanya- sa mga taong Sumasamba sa Apoy,ini-abot sa kanya ang matatamis na pagkain (Faluzaj) sa isang lalagyan na yari sa pilak,ngunit hindi siya kumain rito,Sinabi sa kanya: ilipat mo ito,inilipat niya ito sa isang lalagyan na mula sa mangkok,iniabot ito sa kanya,at kumain siya rito.Isinalaysay ni Imām Al-Bayhaqie sa Isnād na Maganda.((lalagyan na yari sa kahoy)); mangkok
90- Umalis kami upang salabungin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kasama ng mga bata patungo sa Thanīyah Al-Wadā`.
91- Ang mga anghel ay nagtatakip pa rin sa kanya ng mga pakpak nila.
92- Tunay na ikaw ay taong sa iyo ay may Panahon pa ng Kamangmangan. Sila ay mga kapatid ninyo at mga alipin ninyo. Inilagay sila ni Allāh sa ilalim ng mga kamay ninyo. Kaya ang sinumang ang kapatid niya ay nasa ilalim ng kamay niya, pakainin niya ito mula sa kinakain niya at padamitan niya ito mula sa dinadamit niya. Huwag kayong mag-atang sa kanila ng makabibigat sa kanila at kung inatangan ninyo sila niyon, tulungan ninyo sila.
93- Kapag nangyari ang Araw ng Pagkabuhay, magtutulak si Allāh sa bawat Muslim ng isang Hudyo o isang Kristiyano at magsasabi Siya: Ito ay ang pangkalas mo mula sa Impiyerno.
94- O Allah, iligtas Mo si `Ayyāsh bin Abī Rabī`ah. O Allah, iligtas mo si Salamah bin Hishām. O Allah, iligtas Mo si Al-Walīd bin Al-Walīd. O Allah, iligtas Mo ang mga pinahihinang kabilang sa mga mananampalataya. O Allah, tindihan Mo ang tapak Mo sa [liping] Muḍarr. O Allah, gawin Mo itong mga taon gaya ng mga taon [ng taggutom ni Propeta] Jose.
95- Katotohanang binanggit niya ang isang lalaki mula sa Anak ng Israel,Nakiusap ang ilan sa mga Anak ng Israel na pahiramin ito ng Isang-libong Dinar,Nagsabi siya:Kumuha ka ng mga saksi na ipapasaksi ko ito sa kanila,Ang sabi niya; Sapat na si Allah bilang saksi,Nagsabi siya;Kumuha ka ng Taga-panagot,Ang sabi niya; Sapat na si Allah bilang Taga-panagot.Ang sabi niya; Katotohanan ang sinabi mo,At binayaran niya ito sa kanya sa palugit na natatakdaan.
96- Nagpabatid siya sa amin ng mga nangyari at ng mga mangyayari. Ang pinakamaalam sa amin ay ang pinakamatandain sa amin.
97- Dapat mong malaman o Aba Mas'ūd na si Allah ay may kakayahan sa iyo (na parusahan ka)dahil sa (ginagawa mong pagpaparusa) sa batang iyan))Nagsabi ako: Hinding-hindi na ako mamamalo ng alipin pagkatapos nito magpakailanman
98- Huwag ninyo alipustain ang tandang sapagkat tunay na ito ay nanggigising para sa pagdarasal.
99- Hindi bat tunay na ang Panginoon ko ay nag-utos sa akin na ituro ko sa inyo ang anumang hindi ninyo nalalaman,at mula sa mga itinuro niya sa akin sa araw na ito; Ang lahat ng yaman na na ipinagkaloob ko sa isang alipin ay ipinapahintulot,At katotohanang nilikha ko ang mga lingkod ko na mga Muslim silang lahat.At tunay,na sa kanila ay dumating ang mga Satanas,at niligaw nila ito sa kanilang Relihiyon,at ipinagbawal nito ang mga bagay na ipinahintulot ko sa kanila,at ipinag -utos nito sa kanila na tumambal sa pagsamba sa akin,sa mga bagay na hindi Ko ipinapanaog rito ang katibayan.
100- Panginoon tulungan mo ako (sa pag alaala at pasasalamat at mabuting pagsamba sa Iyo)at huwag mo silang tulungan(mapigilan ako sa pag-alaala at pasasalamat at mabuting pagsamba)sa Iyo,Ipagkaloob Mo sa akin tagumpay at Huwag Mo silang hayaan na magtagumpay laban sa akin,at Linlangin Mo sila para sa akin at huwag Mo silang hayaang maglinlang laban sa akin, Patnubayan Mo ako at padiliin sa akin ang Iyong patnubay,at tulangan Mo Ako sa sinumang mang-api sa akin