إعدادات العرض
Bigkasin ninyo ang Qur'ān sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagbangon bilang mapagpamagitan sa mga tagatangkilik nito
Bigkasin ninyo ang Qur'ān sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagbangon bilang mapagpamagitan sa mga tagatangkilik nito
Ayon kay Abū Umāmah Al-Bāhilīy na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Bigkasin ninyo ang Qur'ān sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagbangon bilang mapagpamagitan sa mga tagatangkilik nito. Bigkasin ninyo ang dalawang makinang: ang Kabanatang Al-Baqarah at ang Kabanatang Āl `Imrān sapagkat tunay na ang dalawang ito ay darating sa Araw ng Pagbangon na para bang ang dalawang ito ay dalawang ulap o para bang ang dalawang ito ay dalawang lilim o para bang ang dalawang ito ay dalawang kawan ng mga ibong na mga nakahanay na makikipangatwiran para sa mga tagatangkilik ng dalawang ito. Bigkasin ninyo ang Kabanatang Al-Baqarah sapagkat tunay na ang paghawak dito ay biyaya at ang pag-iwan dito ay isang panghihinayang. Hindi nakakakaya rito ang mga manggagaway."
الترجمة
العربية Bosanski English فارسی Français Русский اردو 中文 हिन्दी Bahasa Indonesia Hausa Kurdî Tiếng Việt Magyar ქართული සිංහල Kiswahili Română অসমীয়া ไทย Português मराठी دری አማርኛ বাংলা ភាសាខ្មែរ Nederlands ગુજરાતી Македонски ਪੰਜਾਬੀالشرح
Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapamalagi ng pagbigkas ng Qur'ān sapagkat tunay na ito ay mamamagitan sa Araw ng Pagbangon para sa mga tagabigkas nito, na gumagawa ayon dito. Pagkatapos nagbigay-diin siya sa pagbigkas ng Kabanatang Al-Baqarah at Kabanatang Āl `Imrān at tumawag sa dalawang ito bilang ang dalawang makinang na tagapagbigay-liwanag dahil sa liwanag ng dalawang ito at kapatnubayan ng dalawang ito. Ang pabuya at ang gantimpala sa pagbigkas sa dalawang ito, pagninilay-nilay sa mga kahulugan ng dalawang ito, at paggawa ayon sa nasaad sa dalawang ito ay darating sa Araw ng Pagbangon gaya ng dalawang ulap o iba pa sa dalawang ito o para bang ang dalawang ito ay dalawang pangkat ng mga ibon habang naglaladlad ng mga pakpak ng mga ito habang nagkakarugtong sa isa't isa sa mga ito, na naglilim sa tagatangkilik ng dalawang ito at nagtatanggol para rito. Pagkatapos nagbigay-diin siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapatuloy sa pagbigkas ng Kabanatang Al-Baqarah, pagnilay-nilay sa mga kahulugan nito, at paggawa ayon sa nasaad dito. Iyon may dulot na pagpapala at dakilang kapakinabangan sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang pagwaksi niyon ay may dulot na panghihinayang at pagsisisi sa Araw ng Pagbangon. Kabilang sa kainaman ng Kabanatang ito ay na ang mga manggagaway ay hindi nakakakaya sa na maminsala sa sinumang bumibigkas nito.فوائد الحديث
Ang pag-uutos ng pagbigkas ng Qur'ān at ang pagpaparami niyon, na ito ay mamamagitan sa mga tagatangkilik nito sa Araw ng Pagbangon, na mga tagabigkas nito, na mga kumakapit sa pagpatnubay nito, na mga tagapagsagawa sa utos nito, na mga tagaiwan sa sinaway nito.
Ang kainaman ng pagbigkas ng Kabanatang Al-Baqarah at Kabanatang Āl `Imrān at ang kadakilaan ng pabuya ng dalawang ito.
Ang kainaman ng pagbigkas ng Kabanatang Al-Baqarah at Kabanatang Āl `Imrān at na ito ay nangangalaga sa tagatangkilik nito laban sa pagkagaway.
