إعدادات العرض
.
.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tumayo matapos na binato si Al-Aslamīy saka nagsabi: "Iwasan ninyo ang kasalaulaang ito na sumaway si Allāh laban dito. Kaya ang sinumang nakagawa nito ay magpatakip siya ng pagtatakip ni Allāh at magbalik-loob siya kay Allāh sapagkat tunay na ang sinumang naglantad sa atin ng pagkasalarin niya, magpapatupad tayo sa kanya ng Aklat ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}
الترجمة
العربية Bosanski English فارسی Français Русский हिन्दी 中文 ئۇيغۇرچە Bahasa Indonesia اردو Kurdî Tiếng Việt Nederlands Kiswahili অসমীয়া ગુજરાતી සිංහල Magyar ქართული Hausa Română Moore ไทย Portuguêsالشرح
Nagpabatid ang Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tumayo, matapos na binato si Mā`iz bin Mālik Al-Aslamīy (malugod si Allāh sa kanya) dahil sa takdang parusa sa pangangalunya, saka nagtalumpati sa mga tao at nagsabi: "Iwasan ninyo ang kasalaulaang ito at ang anumang minamarumi at minamasagwa na mga pagsuway, na sumaway si Allāh laban sa mga ito. Ang sinumang nasadlak at nakaranas mula sa mga ito ng anuman ay may kinailangan sa kanya na dalawang bagay: Ang Una. Na magpatakip siya ng sarili yayamang nagtatakip sa kanya si Allāh at huwag siyang magpabatid ng pagsuway niya. Ang Ikalawa. Na magdali-dali siya sa pagbabalik-loob kay Allāh at huwag siyang magpatuloy rito sapagkat ang sinumang lumitaw sa atin ng pagsuway niya, magpapatupad tayo sa kanya ng takdang parusang nabanggit sa Aklat ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) para sa pagsuway na iyon."فوائد الحديث
Ang pagpapaibig sa pagtatakip ng nagkakasalang tao sa sarili niya at pagbabalik-loob buhat sa pagkakasala sa pagitan niya at ng Panginoon niya.
Ang mga takdang parusa, kapag nakarating sa nakatalaga sa pamumuno, ay walang pagkaiwas sa pagpapatupad sa takdang parusa.
Ang pagkakinakailangan ng pag-iwas sa mga pagsuway at ang pagbabalik-loob buhat sa mga ito.
التصنيفات
Ang Pagbabalik-loob