Noong dumating ang mga mamamayan ng Yemen, nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Dumating nga sa inyo ang mga mamamayan ng Yemen.

Noong dumating ang mga mamamayan ng Yemen, nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Dumating nga sa inyo ang mga mamamayan ng Yemen.

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Noong dumating ang mga mamamayan ng Yemen, nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Dumating nga sa inyo ang mga mamamayan ng Yemen. Sila ang unang nagpauso ng pakikipagkamay."

[Tumpak.] [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud.]

الشرح

Ang pagkakasabi niya: "Dumating nga sa inyo ang mga mamamayan ng Yemen" ay isang pagbubunyi sa kalagayan nila at isang paglalantad sa kalamangan nila. Kabilang sa kanila ang mga Ash`arīy, ang mga kalipi ni Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanila. Nagpapatunay rito ang itinala ni Imām Aḥmad sa Musnad niya 155/3. Ayon kay Anas bin Mālik na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Darating sa inyo bukas ang mga taong higit na malambot ang mga puso sa Islam kaysa sa inyo." Sinabi: "Dumating ang mga Ash`arīy; nasa kanila si Abū Mūsā Al-Ash`arīy. Noong nalapit na sila sa Madīnah, nagsimula silang tumula, na nagsasabi: 'Bukas makakatagpo natin ang mga minamahal, sina Muḥammad at ang lapian niya.' Noong nakarating na sila, nakipagkamayan sila. Sila ang unang nagpauso ng pakikipagkamay."

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Kasamahan ng Propeta – malugod si Allāh sa kanila