Umalis kami upang salabungin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kasama ng mga bata patungo sa Thanīyah Al-Wadā`.

Umalis kami upang salabungin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kasama ng mga bata patungo sa Thanīyah Al-Wadā`.

Ayon kay As-Sā’ib bin Yazīd, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Noong dumating ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, mula sa pagsalakay sa Tabūk, sinalubong siya ng mga tao at nakatagpo ko siya kasama ng mga bata sa Thanīyah Al-Wadā`." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy, na sinabi: "Umalis kami upang salabungin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kasama ng mga bata patungo sa Thanīyah Al-Wadā`."

[Tumpak sa dalawang salaysay nito] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

الشرح

Ipinabatid ni As-Sā’ib na noong dumating ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kasama ng mga kasamahan pauwi mula sa paglusob sa Tabūk, lumabas sila upang salubungin sila sa Thanīyah Al-Wadā`, na isang pook malapit sa Madīnah. Iyon ay dahil sa dulot nitong pagpapalagay ng loob sa kanila, pagpapabuti ng saloobin nila, at pagganyak sa sinumang nakaupo na makilahok sa labanan.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan at mga Patakaran ng Paglalakbay, Ang mga Pagsalakay na Pinamunuan Niya at ang mga Labanang Ipinag-utos Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan