Ang mga Pagsalakay na Pinamunuan Niya at ang mga Labanang Ipinag-utos Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan

Ang mga Pagsalakay na Pinamunuan Niya at ang mga Labanang Ipinag-utos Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan

17- Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi siya;Tinamaan si Saad sa araw ng Khandaq;tinamaan siya ng isang lalaki mula sa Quraysh,na tinatawag na Habban bin Al-`Araqah at siya ay si Habban bin Qays mula sa tribo ng Muays bin `Amer bin Luay,tinamaan niya ito sa hinlalaki,Gumawa ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng tolda sa loob ng Masjid upang mabisita niya ito ng malapit.At nang bumalik ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa Khandaq,inilagay niya ang armas niya at naligo siya,Dumating sa kanya si Jibrel-Sumakanya ang pangangalaga-habang inaalis niya sa ulo niya ang mga alikabok,Nagsabi siya;Tunay na ibinaba mo ang armas;Sumpa kay Allah,huwag mo itong ibaba,Lumabas ka sa kanila,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Saan?Nagpahiwatig siya sa mga Tribo ng Qurayza" Dumating sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ibinaba niya sa kanila ang hatol nila,Ipinagkatiwala niya ang hatol kay Saad;Nagsabi siya: Tunay na ihahatol ko sa kanila; Na Patayin ang lahat ng nakipaglaban,at bihagin ang mga kababaihan at mga kabataan,at Paghatian ang mga kayamanan nila,Nagsabi si Hisham;Ipinahayag sa akin ng Ama ko,buhat kay `Aishah; na si Saad ay nagsabi; O Allah,Tunay na alam Mo na wala ng iba na kaibig-ibig sa akin,maliban sa pakikipaglaban ko sa landas Mo,mula sa mga Taong nagpasinungaling sa Sugo Mo,pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagtakwil sa kanya,O Allah,Katotohanang iniisip ko na tinapos Mo na ang paglalaban sa pagitan namin at pagitan nila,Kung mayroon pang natitirang pakikipaglaban sa mga Quraysh,ipagpanatili Mo ako rito,upang makipaglaban ako sa kanila,para sa Iyo,at kung itinigil Mona ang pakikipaglaban,Pasabugin ito at Gawin Mo ang kamatayan ko rito,sumabog siya dahil sa kapasiyahan niya at hindi na nila ito naalagaan,at sa loob ng Masjid ay may tolda mula sa Tribo ng Gafar,(wala silang nakita) maliban sa maraming dugong dumadaloy sa kanila;Nagsabi sila: O mga taong naninirahan sa tolda,Ano itong dumating sa amin mula sa una sa inyo?Kung-kaya`t si Saad,ay pumapatak sa sugat niya ang dugo,hanggang sa pumanaw siya rito-malugod si Allah sa kanya-Saheh Al-Bukharie