Naway kaawaan ni Allah si Propeta Musa,tunay na naparusahan siya ng higit pa rito,at nagtimpi siya

Naway kaawaan ni Allah si Propeta Musa,tunay na naparusahan siya ng higit pa rito,at nagtimpi siya

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya.Nagsabi siya:At nang sa araw ng Hunayn Nagbigay [ng may kalamangan] ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa mga tao mula sa nadambong,Binigyan niya si Al-Aqra' bin Hābis ng isandaang Kamelyo,at binigyan Niya si 'Uyaynah bin Husayn ng tulad din nito,at binigyan niya ang mga tao mula sa angkan ng maharlikang arabo,at binigyan niya sila [ng may kalamangan] sa oras na yaon mula sa nadambong.Nagsabi ang isang lalaki:Sumpa kay Allah,tunay na sa Nadambong na ito ay hindi siya naging makatarungan,At hindi ko iniibig rito ang para sa kaluguran ni Allah,Nagsabi ako: Sumpa kay Allah;tunay na sasabihin ko ito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--Dumating ako sa kanya at sinabi ang nasabi niya,Nag-iba ang mukha niya hanggang sa ito ay naging kulay pula.Pagkatapos ay nagsabi siya:((Sino ang makatarungan kung hindi naging makatarungan si Allah at ang kanyang Sugo?)) Pagkatapos ay sinabi niya:((Naway kaawaan ni Allah si Propeta Musa,tunay na naparusahan siya ng higit pa rito,at nagtimpi siya)) Ang sabi ko: Walang kasalanan,wala na akong ipaparating sa kanya pagkatapos nito na [alinmang] pag-uusap.

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ipinapaaalam ni `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya.Na sila ay nasa Pandarambong sa Hunayn,At ito ay pandarambong sa Taif na naganap pagkaraan ng Pagtagumpay sa Meccah;Nakipagdarambong sa kanila ang Sugo ni Allah-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-at nadambong nila s kanila ang naparaming nadambong,mula sa mga kamelyo mga tupa [Salaping Dirham,at Dinar]Pagkatapos ang Propeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-ay bumaba sa [lugar na] Je`ranah, at ito ay lugar sa dulo ng Meccah sa banda ng Taif,Bumaba siya rito at hinati niya-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga nadambong sa pagitan ng sumali sali pandarambong ito,Binigyan niya si Al-Aqra' bin Hābis ng isandaang Kamelyo,at binigyan Niya si 'Uyaynah bin Husayn ng isandaang Kamelyo,binigyan niya ang mga tao mula sa mga angkan ng maharling Arabo,upang maging malapit sila sa Islam,At kapag pinagbuti nila ang pagyakap sa Islam dahil sa mga naipamigay at mga kayamanan,yayakap din sa Islam ang sinumang nasa likod nila at susunod sila sa kanila,At sa mga panahong iyon ay may lakas at tagumpay ang Islam;At ang mga may malalakas na pananampalataya,ay iniwan sila ng Paropeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sa pananalig niya sa anumang mayroon sa kanilang pananampalataya,Ang sabi ng isang lalaki pagkatapos niyang makita ang ginawa ng Proepta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-sa paghahati ng mga nadambong sa mga pinuno ng mga Tribo at Mararangyang mga tao,at pag-iwan niya sa ibang mga tao,"Sumpa kay Allah,tunay na sa Nadambong na ito ay hindi siya naging makatarungan,At hindi ko iniibig rito ang para sa kaluguran ni Allah "At nang marinig ni Ibn Mas`ud malugod si Allah sa kanya-ang salitang ito,Mabilis siyang pumunta sa Propeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-At sumumpa siya na kapag dumating siya sa kanya ay sasabihin niya ito sa kanya,At nang ipaalam niya sa kanya ang balita,Tumindi ang galit niya-Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-at nag-iba ang mukha niya at ito ay naging tulad ng kulay pula na walang halo,Pagkatapos ay nagsabi siya:Sino ang makatarungan kung hindi naging makatarungan si Allah at ang kanyang Sugo?Bilang pagtatanggi sa sinabi niya.Pagkatapos ay sinabi niya-Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-Naway kaawaan ni Allah si Propeta Musa,tunay na naparusahan siya ng higit pa rito,at nagtimpi siya.At nang makita ni Ibn Mas`ud malugod si Allah sa kanya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang nakita niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan nagsabi siya malugod si Allah sa kanya-Kapag nakarinig ako ng salita mula sa mga taong ito,mula sa masasamang pananalita,Hinding hindi ko na sasabihin sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sa nakita niyang matinding pagkagalit --pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Hanggat ito ay hindi bumabalik sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sa Islam ang kapinsalaan.

التصنيفات

Ang mga Naunang Propeta at mga Sugo - sumakanila ang pangangalaga, Ang mga Pagsalakay na Pinamunuan Niya at ang mga Labanang Ipinag-utos Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan, Ang mga Patakaran at ang mga Usapin sa Zakāh