Hiniling ko sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[na makapunta sa pakikipaglaban] ,sa Araw ng Uhud,at ako ay nasa labing-apat na taong gulang

Hiniling ko sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[na makapunta sa pakikipaglaban] ,sa Araw ng Uhud,at ako ay nasa labing-apat na taong gulang

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa-Siya ay nagsabi: ((Hiniling ko sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[na makapunta sa pakikipaglaban] ,sa Araw ng Uhud,at ako ay nasa labing-apat na taong gulang,Hindi niya ako pinayagan,at humiling ako sa kanya [na makapunta sa pakikipaglaban] sa Araw ng Khandaq,at ako ay nasa labin-limang taong gulang,at pinayagan niya ako))

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ipinapaalam ni `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa-na nagpaalam siya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na gusto niyang sumama sa pandarambong,-tulad ng pagpapaalam ng sundalo sa kanyang pinuno-sa lugar ng Uhud,at ito ay sa ikatlong taon-mula sa paglikas,at ang kanyang gulang ay labing-apat na taon,Tinanggihan siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanyang pagsama sa pakikipaglaban dahil sa murang edad niya,Pagkatapos ay nagpaalam siya sa kanya sa taon ng Khandaq,at ito ay sa ika limang taon,at siya nasa labin-limang taon,Pinahintulutan siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pakikipaglaban,marahil ito ay dahil sa araw ng Uhud siya ay nasa labing-apat na taon,at sa araw ng Khandaq sa huli,siya ay nasa labin-limang taon na.

التصنيفات

Ang mga Pagsalakay na Pinamunuan Niya at ang mga Labanang Ipinag-utos Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan