Ang mga anghel ay nagtatakip pa rin sa kanya ng mga pakpak nila.

Ang mga anghel ay nagtatakip pa rin sa kanya ng mga pakpak nila.

Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Dinala ang ama ko sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na niluray-luray at inalagay sa harapan niya. Kumilos ako upang takpan ang mukha nito at sinaway ako ng mga tao ko. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Ang mga anghel ay nagtatakip pa rin sa kanya ng mga pakpak nila."

[Tumpak.] [Napagkaisahan ang katumpakan.]

الشرح

Dinala ang ama ni Jābir na si `Abdullāh bin `Amr bin Ḥarām Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanya, sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, noong araw ng labanan sa Uḥud. Niluray-luray ng mga Kāfir ang mga napatay na Muslim sa pamamagitan ng pagputol sa mga bahagi ng katawan ng mga ito. Inalagay ito sa harapan niya. Ninais ni Jābir na takpan ang mukha nito dala ng pagkadama ng sakit dahil sa pagluray rito ng mga Kāfir. Sinaway siya ng mga tao at nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ang mga anghel ay nagtatakip pa rin sa kanya ng mga pakpak nila," bilang pagpaparangal dito at pagpupugay.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Kasamahan ng Propeta – malugod si Allāh sa kanila, Ang mga Pagsalakay na Pinamunuan Niya at ang mga Labanang Ipinag-utos Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan