sapagkat sumpa man kay Allāh, ang magpatnubay si Allāh sa pamamagitan mo ng iisang tao ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa mga pulang kamelyo."}

sapagkat sumpa man kay Allāh, ang magpatnubay si Allāh sa pamamagitan mo ng iisang tao ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa mga pulang kamelyo."}

Ayon kay Sahl bin Sa`d (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi sa araw ng Labanan sa Khaybar: "Talagang ibibigay ko nga ang watawat na ito bukas sa isang lalaking mananaig si Allāh sa pamamagitan ng mga kamay niya. Umiibig siya kay Allāh at sa Sugo Nito at umiibig sa kanya si Allāh at ang Sugo Nito." Kaya minagdamag ang mga tao na nag-iisip-isip sa gabi nila kung alin sa kanila ang bibigyan niyon. Noong inumaga ang mga tao, pumunta sila sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Lahat sila ay umaasa na ibigay sa kanya iyon. Nagsabi ito: "Nasaan si `Alīy bin Abī Ṭālib?" Sinabi: "Siya, O Sugo ni Allāh, ay naghihinaing ng mga mata niya." Nagsabi ito: "Magsugo kayo papunta sa kanya." Kaya dinala siya saka dumura ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga mata niya at dumalangin ito para sa kanya saka gumaling siya na para bang hindi siya nagkaroon ng isang hapdi. Ibinigay nito sa kanya ang watawat. Nagsabi si `Alīy: "O Sugo ni Allāh, makikipaglaban ako sa kanila hanggang sa sila ay maging tulad natin?" Kaya nagsabi ito: "Humayo ka nang hinay-hinay hanggang sa bumaba ka sa larangan nila. Pagkatapos mag-anyaya ka sa kanila tungo sa Islām at magpabatid ka sa kanila ng kinakailangan sa kanila mula sa karapatan ni Allāh; sapagkat sumpa man kay Allāh, ang magpatnubay si Allāh sa pamamagitan mo ng iisang tao ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa mga pulang kamelyo."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan ng pagwawagi ng mga Muslim laban sa mga Hudyo ng Khaybar mula bukas. Iyon ay sa pamamagitan ng isang lalaking bibigyan niya ng watawat. Ito ay ang bandera na gagawin ng hukbo bilang sagisag para sa kanya. Ang lalaking ito ay may ilang katangian: na siya ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Nito at umiibig sa kanya si Allāh at ang Sugo Nito. Kaya minagdamag ang mga Kasamahan sa gabi nila na tumatalakay at nag-uusap-usap tungkol sa kung kanino ibibigay ang watawat, dala ng pagkaibig sa dakilang karangalang ito. Noong sumapit ang umaga, pumunta sila sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Lahat sila ay naghahangad na magtamo ng karangalang ito. Nagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol kay `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya). Kaya sinabi: "Tunay na siya ay maysakit, naghihinaing sa mga mata niya." Kaya ipinasundo siya ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka inihatid nila siya. Dumura ang Propeta sa mga mata ni `Alīy ng marangal na laway nito at dumalangin ito para sa kanya saka gumaling siya mula sa karamdaman niya. Para bang hindi siya nagkaroon ng sakit. Ibinigay ng Propeta sa kanya ang watawat at inutusan siya na humayo nang marahan hanggang sa makalapit siya sa muog ng kaaway saka mag-aalok siya sa kanila ng pagpasok sa Islām. Kung tumugon sila sa kanya, magpapabatid siya sa kanila ng kinakailangan sa kanila mula sa mga tungkulin. Pagkatapos naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Alīy ng kainaman ng pag-aanyaya tungo kay Allāh at na ang tagapag-anyaya, kapag siya ay naging kadahilanan sa kapatnubayan ng iisang tao, iyon ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa magkaroon siya ng mga pulang kamelyo, na pinakamamahaling ari-arian ng mga Arabe, para magmay-ari ng mga ito o magkawanggawa ng mga ito.

فوائد الحديث

Ang kalamangan ni `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) at ang pagsaksi ng Sugo (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) para sa kanya ng pag-ibig sa kanya ni Allāh at ng Sugo Nito at pag-ibig niya kay Allāh at sa Sugo Nito.

Ang pagsisigasig ng mga Kasamahan sa kabutihan at ang pag-uunahan nila rito.

Ang pagkaisinasabatas ng etiketa sa sandali ng pakikipaglaban at ang pagwaksi sa kawalang-pakundangan at mga tinig na tagaligalig na wala namang pangangailangan sa mga ito.

Kabilang sa mga katunayan ng pagkapropeta niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pagpapabatid niya hinggil sa pagwawagi laban sa mga Hudyo at paggaling ng mga mata ni `Alīy bin Abī Ṭālib sa kamay niya ayon sa pahintulot ni Allāh.

Ang pinakadakilang pinapakay sa pakikibaka ay ang pagpasok ng mga tao sa Islām.

Ang pag-aanyaya ay sa pamamagitan ng pagdadahan-dahan kaya hihilingin muna sa tagatangging sumampalataya ang pagpasok sa Islām sa pamamagitan ng pagbigkas ng Dalawang Pagsaksi, pagkatapos ipag-uutos sa kanya ang pagganap ng mga tungkulin sa Islām matapos niyon.

Ang kainaman ng pag-aanyaya tungo sa Islām at anumang taglay nito na kabutihan para sa inaanyayahan at tagapag-anyaya. Ang inaanyayahan ay maaaring mapatnubayan at ang tagapag-anyaya ay gagantimpalaan ng isang dakilang gantimpala.

التصنيفات

Ang Medisina, ang Pagpapagamot, at ang Ruqyah Maka-Sharī`ah, Ang mga Kainaman ng mga Kasamahan ng Propeta – malugod si Allāh sa kanila, Ang mga Pagsalakay na Pinamunuan Niya at ang mga Labanang Ipinag-utos Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan