Sa panahon ng Pandarambong sa Tabūk-tinamaan ang mga tao ng matinding pagkagutom,Nagsabi sila: O Sugo ni Allah;Kung pahihintulutan mo kami,Kakatay kami sa mga kamelyo namin,kakain kami nito at magpapahid [ng mga taba nito],? Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Gawin…

Sa panahon ng Pandarambong sa Tabūk-tinamaan ang mga tao ng matinding pagkagutom,Nagsabi sila: O Sugo ni Allah;Kung pahihintulutan mo kami,Kakatay kami sa mga kamelyo namin,kakain kami nito at magpapahid [ng mga taba nito],? Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Gawin ninyo)),

Ayon kay Abē Hurayrah-o Abē Saīd Al-Khudrī-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nag-aalinlangan ang nagsalaysay-siya ay Nagsabi:(Sa panahon ng Pandarambong sa Tabūk-tinamaan ang mga tao ng matinding pagkagutom,Nagsabi sila: O Sugo ni Allah;Kung pahihintulutan mo kami,Kakatay kami sa mga kamelyo namin,kakain kami nito at magpapahid [ng mga taba nito],? Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Gawin ninyo)),Dumating si 'Umar-malugod si Allah sa kanya-At Nagsabi siya: O Sugo ni Allah, kapag ginawa mo ito mababawasan ang mga dala-dala natin,Subalit hingin mo sa kanila ang natitirang baon nila,pagkatapos ay ipanalangin mo ito sa kanila sa Allah nang pagpapala,Marahil si Allah ay maglalagay rito ng pagpapala,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:(Oo), tumawag siya ng paglalagyan at inilatag niya ito,Pagkatapos ay itinawag niya [na dalhin sa kanya] ang natitira nilang baon,At dumating ang lalaki na may dalang isang palad ng mais,at dumating [ang iba] na may dalang isang palad ng dateles,At ang iba ay may dalang pira-piraso ng tinapay,hanggang sa naipon ang kaunting mga bagay na ito sa lalagyan,Nanalangin ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-rito ng Pagpapala,Pagkatapos ay Nagsabi siya:(Kumuha kayo ng mga lalagyan ninyo),Kumuha sila ng mga lalagyan nila , hanggang sa walang natirang lalagyan ng mga kawal maliban sa napuno nila ito,at kumain sila hanggang sa nabusog sila,at mayroon pang ibang nitira,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ninAllah at pangalagaan-(( Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, at ako ay Sugo Niya,Walang [sinuman ang] haharap sa Allah, sa mga salitang ito mula sa kanyang alipin, nang walang pag -aalinlangan,Ang mahahadlangan sa pagpasok sa Paraiso.))

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Sa panahon ng pakikipagdarambong sa Tabuk,dumating sa mga tao ang [matinding] pagkagutom,sinabi nila : O Sugo ni Allah;kung pahihintulutan mo kami,kakatayin namin ang mga kamelyo namin,kakainin namin ang mga karne nito at ipapahid namin ang mga taba nito.Pinayagan sila ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsabi siyang: Gawin ninyo:Dumating si `Umar-malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: O Sugo ni Allah;kapag ginawa mo ito,mababawasan ang mga hayop na dinala natin,magiging maliit ang bilang nila,subalit gawin mong dalhin nila sa iyo ang natirang pagkain nila,pagkatapos ay ipanalangin mo sa Allah na ito ay ipagpala,at marahil ay ilagay rito ng Allah ang mga kabutihan at ipagpala [Niya] ang kaunti,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Oo,humingi siya ng pambalot na yari sa balat at inilatag niya ito,Pagkatapos ay humingi siya ng mga natitirang pagkain nila,ang isang lalaki ay dumating na may dalang mais na isang palad [ng kamay],at ang iba ay dateles,at ang iba ay mga piraso ng tinapay,hanggang sa naipon sa kanya ang mga malilit na bagay na ito,At nanalangin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ito ay ipagpala;Pagkatapos ay nagsabi siya: (Kumuha kayo ng mga lalagyan ninyo),Kumuha sila,hanggang sa walang natira sa mga lalagyan ng mga sundalo maliban sa ito ay napuno niya,Kumain sila hanggang sa nabusog sila,at may natira pa rito,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at ako ay Sugo ni Allah,Walang haharap kay Allah sa pamamagitan ng dalawang salitang ito,mula sa kanyang mga alipin pagkatapos ng pagkamatay niya,na walang pag-aalinlangan dito,Ang mahahadlangan sa pagpasok sa Paraiso,datapuwa`t ay mararapat sa kanya na makapasok dito,Siya man ay mapabilang sa mga nailigtas mula`t sa simula,o pagkatapos niyang mailabas mula sa Impiyerno.

التصنيفات

Ang mga Pagsalakay na Pinamunuan Niya at ang mga Labanang Ipinag-utos Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan