Ito ay panustos na pinalabas ni Allah para sa inyo kaya mayroon ba kayong anuman sa karne nito, na ipakakain ninyo sa amin? Kaya nagpadala kami sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, mula roon at kinain niya iyon.

Ito ay panustos na pinalabas ni Allah para sa inyo kaya mayroon ba kayong anuman sa karne nito, na ipakakain ninyo sa amin? Kaya nagpadala kami sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, mula roon at kinain niya iyon.

Ayon kay Jābir bin Abdullah, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Ipinadala kami ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at pinamuno niya sa amin si Abū `Ubaydah, malugod si Allah sa kanya, upang makatagpo ng karaban ng Quraysh. Pinabaunan niya kami ng isang supot ng datiles; wala na siyang natagpuan para sa amin maliban doon. Si Abū `Ubaydah ay nagbibigay sa amin noon ng tig-iisang datiles. May nagsabi: Papaano ang ginagawa ninyo roon? Nagsabi siya: Sinisipsip namin iyon gaya ng pagsipsip ng sanggol. Pagkatapos ay iniinuman namin ito ng tubig at nakasasapat ito sa amin sa araw namin hanggang sa gabi. Kami noon ay dumidikdik gamit ang mga tungkod namin ng mga dahong nalaglag. Pagkatapos ay binabasa namin ang mga ito ng tubig at kinakain namin. Pumunta kami sa baybayin ng dagat at may lumitaw sa amin sa baybayin ng dagat na gaya ng anyo ng malaking bunton ng buhangin. Pinuntahan namin ito at ito pala ay isang hayop na tinatawag na espermang balyena. Nagsabi si Abū `Ubaydah: Patay ito. Pagkatapos ay nagsabi siya: Hindi bale; tayo ay mga sugo ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa landas ni Allah at kayo ay nagipit kaya magsikain kayo. Tumigil kami doon ng isang buwan - kami ay tatlong daan - hanggang sa tumaba kami. Talaga ngang nakita kong sumasalok kami mula sa butas ng mata nito ng pitsel-pitsel na taba. Humihiwa kami mula rito ng tipak-tipak na [na karne] na gaya ng toro o kasukat ng toro. Talaga ngang kumuha sa amin si Abū `Ubaydah ng labintatlong lalaki at pinaupo niya sila sa butas ng mata nito. Kumuha siya ng isang tadyang mula sa mga tadyang nito at itinayo ito. Pagkatapos ay siniyahan niya ang pinakamalaking kamelyong kasama namin at dumaan siya sa ilalim nito. Nagbaon kami mula sa karne nito na mga tapa. Noong dumating kami sa Madīnah, pinuntahan namin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at binanggit namin iyon sa kanya. Kaya nagsabi siya: Ito ay panustos na pinalabas ni Allah para sa inyo kaya mayroon ba kayong anuman sa karne nito, na ipakakain ninyo sa amin? Kaya nagpadala kami sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, mula roon at kinain niya iyon."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpadala ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang batalyon at pinamuno niya sa kanila si Abū `Ubaydah upang kunin ang isang karaban na nagdadala ng trigo at pagkain para sa liping Quraysh. Binigyan niya sila ng sisidlang yari sa balat na may lamang datiles. Ang pinuno nila ay nagbibigay sa bawat isa sa kanila ng isang datiles dahil sa kakauntian ng baong dala nila. Sinisipsip nila ito at iniinuman ito ng tubig. Dinidikdik nila ng mga tungkod nila ang mga dahon ng mga puno na kinakain ng mga kamelyo. Pagkatapos ay binabasa nila ito ng tubig para alisin ang kagaspangan nito. Noong nakarating na sila sa baybayin ng dagat, nakakita sila ng tulad ng tumpok ng buhangin. Pinuntahan nila iyon at iyon pala ay isang malaking balyena na tinatawag na esperma. Pinagbawalan sila ng pinuno nilang si Abū `Ubaydah na kumain mula roon dahil ito ay patay [na hindi nakatay] at ang patay [na hindi nakatay] ay ipinagbabawal ayon sa teksto ng Qur'an. Pagkatapos ay nagbago ang pagtitimbang-timbang niya at ipinahintulot niya sa kanila na kumain mula roon. Iyon ay dahil sa ang patay [na hindi nakatay] ay ipinahihintulot na kumain mula rito sa sandali ng kagipitan lalo pa at sila ay nasa isang paglalakbay bilang pagtalima kay Allah, napakamaluwalhati Niya. Nakalingid sa kanila na ang patay na hayop ng dagat ay ipinahihintulot. Pagkatapos ay ipinangatwiran nila ang kagipitan kaya kumain sila mula rito at nagdala sila pauwi. Noong nakarating sila sa Madīnah, ipinabatid nila iyon sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at sinang-ayunan naman niya sila sa ginawa nila at kumain siya mula roon.

التصنيفات

Ang Ipinahihintulot at Ipinagbabawal mula sa mga Hayop at mga Ibon, Ang mga Pagsalakay na Pinamunuan Niya at ang mga Labanang Ipinag-utos Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan