Tunay na si Allāh ay magdudulot ng pagdurusa sa mga nagdudulot ng pagdurusa sa mga tao sa Mundo."}

Tunay na si Allāh ay magdudulot ng pagdurusa sa mga nagdudulot ng pagdurusa sa mga tao sa Mundo."}

Ayon kay Hishām bin Ḥakīm bin Ḥizām (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay naparaan sa mga taong kabilang sa mga Nabateyo sa Sirya, na pinatayo nga sa ilalim ng araw. Kaya naman nagsabi siya: "Ano ang pumapatungkol sa kanila?" Nagsabi sila: "Ikinulong sila dahil sa jizyah." Kaya nagsabi si Ḥakīm: "Sumasaksi ako, talagang nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Tunay na si Allāh ay magdudulot ng pagdurusa sa mga nagdudulot ng pagdurusa sa mga tao sa Mundo."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Naparaan si Hishām bin Ḥakīm bin Ḥizām (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa mga magbubukid kabilang sa mga Nabateyo sa Sirya, na pinatindig nga sa ilalim ng init ng araw. Kaya naman nagtanong siya tungkol sa pumapatungkol sa kanila. Nagpabatid siya na sila ay ginawan ng gayon dahilan sa hindi pagkabayad nila ng jizyah samantalang sila ay nakakakaya naman niyon. Kaya naman nagsabi si Hishām (malugod si Allāh sa kanya): "Sumasaksi ako, talagang nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Tunay na si Allāh ay magdudulot ng pagdurusa sa mga nagdudulot ng pagdurusa sa mga tao sa Mundo dala ng kawalang-katarungan, nang walang karapatan.

فوائد الحديث

Ang jizyah ay isang buwis na ipinapataw sa mga lalaking kabilang sa mga May Kasulatan, na mga adultong may yaman kapalit ng pagsasanggalang sa kanila at pagreresidente nila sa Tahanan ng Islām.

Ang pagbabawal sa pagdudulot ng pagdurusa sa mga tao pati na sa mga tagatangging sumampalataya nang walang legal na tagapag-obliga.

Ang pagbibigay-babala sa mga tagalabag sa katarungan laban sa kawalang-katarungan.

Ang pagkapit ng mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama.

Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ito ay ipinatutungkol sa pagdudulot ng pagdurusa nang walang karapatan. Kaya naman hindi napaloloob dito ang pagdudulot ng pagdurusa nang may karapatan gaya ng qaṣāṣ (ganting-pinsala), mga takdang parusa, ta`zīr (discretionary punishment), at tulad nito.

التصنيفات

Ang Etikang Kapula-pula