Tunay na sa Paraiso ay talagang may isang tagpuan na pinupuntahan nila tuwing Biyernes

Tunay na sa Paraiso ay talagang may isang tagpuan na pinupuntahan nila tuwing Biyernes

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na sa Paraiso ay talagang may isang tagpuan na pinupuntahan nila tuwing Biyernes. Umiihip ang hangin ng hilaga saka dumadampi ito sa mga mukha nila at mga kasuutan nila saka nadaragdagan sila ng kagandahan at karikitan. Bumabalik sila sa mga mag-anak nila noong nadagdagan sila ng kagandahan at karikitan saka nagsasabi sa kanila ang mga mag-anak nila: Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nadagdagan kayo matapos namin ng kagandahan at karikitan! Kaya nagsasabi sila: At kayo, sumpa man kay Allāh, ay talaga ngang nadagdagan matapos namin ng kagandahan at karikitan!"}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa Paraiso ay may isang lugar na pinagtitipunan nila, na wala roong pagtitinda at ni pagbili, na kumukuha sila mula roon ng ninanais nila. Pumupunta sila roon sa sukat na tuwing pitong araw. Umiihip ang hangin ng hilaga saka gumagalaw ito sa mga mukha nila at mga kasuutan nila saka nadaragdagan sila ng kagandahan at karikitan. Bumabalik sila sa mga mag-anak nila noong nadagdagan sila ng kagandahan at karikitan saka nagsasabi sa kanila ang mga mag-anak nila: "Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nadagdagan kayo matapos namin ng kagandahan at karikitan!" Kaya nagsasabi sila: "Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nadagdagan kayo matapos namin ng kagandahan at karikitan!"

فوائد الحديث

Ang paglilinaw na ang mga maninirahan sa Paraiso ay nasa isang pagkadagdag sa kagandahan at karikitan.

Ang mga ḥadīth ay nag-obliga sa tao ng pagkaibig sa maayos na gawain na magpapakaabot siya sa pamamagitan nito sa tahanang iyon.

Itinangi ang hangin ng hilaga sa pagkabanggit dahil ito ay ang pinakamaganda sa mga hangin sa ganang mga Arabe yayamang naghahatid ito ng kabutihan at ulan.

Ang paghimok sa pag-aanyaya tungo kay Allāh sa pamamagitan ng pagpapaibig sa Paraiso at kaginhawahan nito.

التصنيفات

Ang mga Katangian ng Paraiso at Impiyerno