Ang mga Katangian ng Paraiso at Impiyerno

Ang mga Katangian ng Paraiso at Impiyerno

7- {Noong nilikha ni Allāh ang Paraiso at ang Impiyerno, isinugo Niya si [Anghel] Gabriel (sumakanya ang pangangalaga)* sa Paraiso saka nagsabi Siya: "Tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya naman tumingin ito roon saka bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang makaririnig hinggil doon na isa man malibang papasok doon." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga pahirap saka nagsabi Siya: "Pumunta ka roon saka tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran na ng mga pahirap saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makapasok doon na isa man." Nagsabi Siya: "Pumunta ka saka tumingin ka sa Impiyerno at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano pumapatong ang isa sa bahagi [ng apoy] niyon sa isa pang bahagi kaya bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang papasok doon na isa man." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga ninanasa saka nagsabi Siya: "Bumalik ka roon saka tumingin ka roon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran ng mga ninanasa kaya bumalik ito at nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makaligtas mula roon na isa man malibang papasok doon."}

25- {May magdadala sa kamatayan gaya sa anyo ng isang puti't itim na lalaking tupa* saka may mananawagang isang tagapanawagan: "O mga maninirahan sa Paraiso," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Pagkatapos mananawagan ito: "O mga maninirahan sa Impiyerno," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Saka kakatayin iyon, pagkatapos magsasabi ito: "O mga maninirahan sa Paraiso, pananatili [sa Paraiso] sapagkat wala nang kamatayan. O mga maninirahan sa Impiyerno, pananatili [sa Impiyerno] sapagkat wala nang kamatayan." Pagkatapos bumigkas siya: "Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat, ..." (Qur'ān 19:39) Ang mga ito, habang nasa isang pagkalingat, ay ang mga naninirahan sa Mundo: "sila ay hindi sumasampalataya." (Qur'ān 19:39)}