May mananawagang isang tagapanawagan: Tunay na ukol sa inyo na lumusog kayo kaya hindi kayo magkakaramdaman magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na mabuhay kaya hindi kayo mamamatay magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na bumata kayo kaya hindi kayo tatanda magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na…

May mananawagang isang tagapanawagan: Tunay na ukol sa inyo na lumusog kayo kaya hindi kayo magkakaramdaman magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na mabuhay kaya hindi kayo mamamatay magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na bumata kayo kaya hindi kayo tatanda magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na guminhawa kayo kaya hindi kayo mawawalang-pag-asa magpakailanman

Ayon kina Abū Sa`īd Al-Khuḍrī at Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "May mananawagang isang tagapanawagan: Tunay na ukol sa inyo na lumusog kayo kaya hindi kayo magkakaramdaman magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na mabuhay kaya hindi kayo mamamatay magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na bumata kayo kaya hindi kayo tatanda magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na guminhawa kayo kaya hindi kayo mawawalang-pag-asa magpakailanman." Kaya iyon ang sabi Niya (aj): {Tatawagin sila: “Iyon ay ang Paraiso; ipinamana sa inyo iyon dahil sa dati ninyong ginagawa.”} (Qur'an 7:43)}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Bumanggit ang Propeta (s) na may mananawagan sa mga maninirahan sa Paraiso na isang tagapanawagan habang sila roon ay nagpapakaginhawa: "Tunay na ukol sa inyo na lumusog kayo kaya hindi kayo magkakasakit sa Paraiso magpakailanman, gaano man kaunti ang sakit. Tunay na ukol sa inyo na mabuhay kaya hindi kayo mamamatay rito magpakailanman, kahit pa man isang pagkatulog, na isang maliit na pagkamatay. Tunay na ukol sa inyo na bumata kayo kaya hindi kayo tatanda rito magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na guminhawa kayo kaya hindi kayo malulungkot o mawawalang-pag-asa rito magpakailanman." Kaya iyon ang sabi Niya (aj): {Tatawagin sila: “Iyon ay ang Paraiso; ipinamana sa inyo iyon dahil sa dati ninyong ginagawa.”} (Qur'an 7:43)

فوائد الحديث

Ang pinakamabigat sa mga tagapagpasikip sa buhay pangmundo gaano man ang naabot ng tagapagtaglay nito na karangyaan ay apat na bagay: ang pagkakasakit, ang kamatayan, ang katandaan, at ang kamiserablehan at ang kalungkutan dahilan sa pangamba sa kaaway, karalitaan, digmaan, at iba pa roon. Ang mga maninirahan sa Paraiso ay mga ligtas sa mga ito sapagkat matatamo para sa mga maninirahan sa Paraiso ang pinakalubos na kaginhawahan.

Ang pagkakaiba ng kaginhawahan sa Paraiso sa nasa Mundo na kaginhawahan ay dahil ang kaginhawahan sa Paraiso ay walang pangamba roon samantalang ang kaginhawahan sa Mundo ay hindi nagtatagal at dinadapuan ng mga hapdi at mga karamdaman.

Ang pagpapaibig sa maayos na gawain na nagpapaabot sa pamamagitan nito sa kaginhawahan sa Paraiso.

التصنيفات

Ang mga Katangian ng Paraiso at Impiyerno