May dalawang uri ng mga maninirahan sa Impiyerno, na hindi ko nakita: mga taong mayroong mga latigong gaya ng mga buntot ng mga baka, na ipinamamalo nila sa mga tao; at mga babaing nakadamit na nakahubad, na mga nagpapakiling [sa pagkakasuklay], na mga kumikiling, na ang mga ulo nila ay gaya ng mga…

May dalawang uri ng mga maninirahan sa Impiyerno, na hindi ko nakita: mga taong mayroong mga latigong gaya ng mga buntot ng mga baka, na ipinamamalo nila sa mga tao; at mga babaing nakadamit na nakahubad, na mga nagpapakiling [sa pagkakasuklay], na mga kumikiling, na ang mga ulo nila ay gaya ng mga nakakiling na mga umbok ng mga kamelyong Bukht. Hindi sila papasok sa Paraiso.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "May dalawang uri ng mga maninirahan sa Impiyerno, na hindi ko nakita: mga taong mayroong mga latigong gaya ng mga buntot ng mga baka, na ipinamamalo nila sa mga tao; at mga babaing nakadamit na nakahubad, na mga nagpapakiling [sa pagkakasuklay], na mga kumikiling, na ang mga ulo nila ay gaya ng mga nakakiling na mga umbok ng mga kamelyong Bukht. Hindi sila papasok sa Paraiso. Hindi nila malalanghap ang halimuyak nito kahit pa ang halimuyak nito ay nalalanghap mula sa layong ganito at gayon."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang kahulugan ng ḥadīth: "May dalawang uri ng mga maninirahan sa Impiyerno, na hindi ko nakita" Nangangahulugan ito: Hindi niya nakita ang mga ito sa panahon niya dahil sa kadalisayan ng panahong iyon, bagkus naganap ito noong wala na siya. Ito ay kabilang sa mga himalang ipinang-alalay ni Allāh sa Propeta Niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. "mga taong mayroong mga latigong gaya ng mga buntot ng mga baka, na ipinamamalo nila sa mga tao" Nagsabi ang maaalam: "Ang mga ito ay ang mga pulis na namamalo ng mga tao nang walang karapatan. Mayroon silang mga latigong gaya ng mga buntot ng mga baka. Tumutukoy ito sa mahabang latigong ipinamamalo nila sa mga tao nang walang karapatan. "mga babaing nakadamit na nakahubad, na mga nagpapakiling [sa pagkakasuklay], na mga kumikiling" Nangangahulugan ito, gaya ng sinasabi: mga nakadamit ng mga kasuutan nilang kasuutang pisikal, na mga hubad naman sa pangingilag sa pagkakasala kay Allāh dahil si Allāh ay nagsabi (Qur'ān 7:26): "ang pagsuot ng pangingilag sa pagkakasala, iyan ay higit na mabuti" Sinasabi rin: "mga nakadamit, na mga nakahubad: nakasuot sila ng kasuutang pisikal subalit hindi nakatatakip dahil sa sikip nito o dahil sa nipis nito na naging naaaninag na hindi nakatatakip o dahil sa ikli." Lahat ng ito ay masasabi sa babaing nagsusuot niyon: Tunay na siya ay nakadamit na nakahubad. "na mga nagpapakiling [sa pagkakasuklay]" Nangangahulugan itong: Kumikiling ang pagkakasuklay gaya ng pagpapaliwanag ng ilan sa kanila na ito ay ang pagkakasuklay na kumikiling, na inilalagay ang pagkakasuklay sa gilid. Tunay na ito ay kabilang sa pagkiling dahil ito ay mga nagpapakiling sa pamamagitan ng pagkakasuklay nila lalo na at ang pagkiling na ito na dumating sa atin ay dinala lamang sa atin mula sa mga babaing Kāfir. Ito - ang pinagpapakupkupan ay kay Allāh - ay tumukso sa ilan sa mga babaing Muslim. Hinahati nila ang buhok mula sa isang gilid kaya ito ay magiging pinakiling: nagpakiling ito ng pagkakasuklay niyon. Sinasabing ang "mga nagpapakiling" ay nangangahulugang mga nang-aakit ng iba sa kanila dahil sa paglabas nila na nakatanghal ang kagandahan, nakapabango, at anumang nakawawangis niyon kaya naman sila ay nagpapakiling ng iba sa kanila. Marahil ang salita ay sumasaklaw sa dalawang kahulugan dahil ang patakaran ay na ang teksto, kapag nagkaroon ng posibilidad ng dalawang kahulugan at walang matimbang sa dalawang ito, ito ay uunawain ayon sa dalawang ito. Dito ay walang matimbang at walang pagkakaila dahil sa pagkatugma ng dalawang kahulugan kaya magiging sumasaklaw sa dalawang kahulugan. Ang sabi niya: "na mga kumikiling" ay nangangahulugang: mga nakalihis sa katotohanan hinggil sa kinakailangan sa kanila na kahihiyan at kabinihan. Natatagpuan sila sa lansangan na naglalakad gaya ng lakad ng lalaki nang may lakas at tatag hanggang sa tunay na ang ilan sa mga lalaki ay hindi nakakakayang maglakad ng ganitong lakad ngunit siya ay naglalakad na para bang siya ay isang sundalo sa tindi ng paglalakad, pagpadyak niya sa lupa, at kawalan ng pag-aalintana niya. Gayon din, tumatawa siya sa kasamahan niya at nagtataas ng tinig sa paraang pumupukaw sa tukso. Gayon din, tumitigil siya sa may-ari ng tindahan upang makipagtawaran sa pagtitinda at pagbili, tumatawang kasama nito, at gumagawa ng nakawawangis niyon na mga kasiraan at tukso. Ang mga ito ay ang mga nakakiling, na walang dudang sila ay mga nakakiling palayo sa katotohanan. Hinihiling natin kay Allāh ang pangangalaga. "ang mga ulo nila ay gaya ng mga nakakiling na mga umbok ng mga kamelyong Bukht." Nagsabi ang ilan sa maaalam: "Bagkus ang babaing ito ay naglalagay sa uli niya ng turban na gaya ng turban ng lalaki upang umangat ang belo. Ito ay magiging para bang umbok ng mga kabayong mula sa Bukht." Maging ano pa man, ito ay nagpapaganda sa ulo ng mga babae sa pamamagitan ng pagpapagandang nakatutukso. Hindi sila papasok sa Paraiso. Hindi nila malalanghap ang halimuyak nito. Nagpapakupkop tayo kay Allāh. Nangangahulugan itong hingi sila papasok sa Paraiso. Hindi sila makalalapit doon kahit pa ang halimuyak nito ay nalalanghap mula sa layong ganito at gayon, na layong pitumpung taon ng paglalakbay o higit pa. Gayon pa man hindi makalalapit ang babaing ito sa Paraiso - ang pinagpapakupkupan ay kay Allāh - dahil siya ay lumabas buhat sa tamang landasin sapagkat siya ay nakadamit na hubad na ikinikiling, na kumikiling ang ulo niya, na nag-aanyaya sa tukso at pang-aakit. Mirqāh Al-Mafātīḥ 6/2302 at Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn 6/372.

التصنيفات

Ang mga Katangian ng Paraiso at Impiyerno