إعدادات العرض
Sumpa! na ang sarili ni Muhammad ay nasa kamay Niya, katotohanan ako'y nag-hahangad na kayo ay kabilang o maging kalahati ng mga taong taga paraiso, yun ay dahil ang paraiso ay walang pwedeng makakapasok sa kanya kundi ang kaluluwang muslim.At wala kayo sa mga taong nagtatambal, maliban sa katulad…
Sumpa! na ang sarili ni Muhammad ay nasa kamay Niya, katotohanan ako'y nag-hahangad na kayo ay kabilang o maging kalahati ng mga taong taga paraiso, yun ay dahil ang paraiso ay walang pwedeng makakapasok sa kanya kundi ang kaluluwang muslim.At wala kayo sa mga taong nagtatambal, maliban sa katulad ng buhok na puti sa balat ng toro na itim.
Ayon kay Ibn Mas-ud -malugod si Allah sa kanya- siya ay nagsabi: Kasama namin ang Sugo ni Allah -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa isang toga na malapit sa bilang na Apat-napu, Nagsabi siya: ((Nasisiyahan ba kayo na makabilang kayo sa ika-apat na bahagi ng tao sa Paraiso?)) Sinabi namin: Oo, Nagsabi siya:((Nasisiyahan ba kayo na makabilang kayo sa ika-tatlong bahagi ng Tao sa Paraiso?)) Sinabi namin: Oo, Nagsabi siya: ((Sumpa kay Allah sa sarili ni Muhammad na nasa kamay Niya, Hinihiling ko kay Allah na magiging kalahati kayo ng mga taong taga paraiso, Walang makakapasok dito maliban sa kaluluwang Muslim, At wala kayo sa mga taong nagtatambal, maliban sa katulad ng buhok na puti sa balat ng toro na itim, o katulad ng buhok na itim sa balat ng toro na pula)).
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việtالشرح
Umupo ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kasama ang mga kasamahan niya sa isang maliit na Toga, at sila ay nasa malapit na bilang na apat-napu na kalalakihan,Tinanong niya sila -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ((Nasisiyahan ba kayo na maging sangkapat na bahagi ng tao sa Paraiso?)) Sinabi namin: Oo, Nagsabi siya: ((Nasisiyahan ba kayo na maging sangkatlo na bahagi ng tao sa Paraiso?)) Sinabi namin: Oo, At Sumumpa ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa panginoon niya,at pagkatapos ay nagsabi siya; Hinihiling ko kay Allah na kayo'y magiging kalahati ng mga taong taga paraiso, at ang ibang kalahati ay para sa nalalabing henerasyon,sapagkat ang Paraiso ay walang nakakapasok dito maliban sa Muslim, At walang makakapasok dito na Kafer o hindi mananampalataya, at wala kayo sa mga taong nagtatambal mula sa nalalabing henerasyon kundi napakaliit na bagay lamang, na katulad ng isang buhok kakaiba ang kulay na nasa balat ng toro na punung-puno ng buhok."