إعدادات العرض
Tunay na ang pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa ay ang sinumang may dalawang sapatos at dalawang sintas mula sa isang apoy, na kukulo dahil sa dalawang ito ang utak niya kung paanong kumukulo ang kaldero. Hindi siya makakikita na may isang higit na matindi kaysa sa kanya sa…
Tunay na ang pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa ay ang sinumang may dalawang sapatos at dalawang sintas mula sa isang apoy, na kukulo dahil sa dalawang ito ang utak niya kung paanong kumukulo ang kaldero. Hindi siya makakikita na may isang higit na matindi kaysa sa kanya sa pagdurusa samantalang tunay na siya ay talagang pinakamagaan sa kanila sa pagdurusa."}
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa ay ang sinumang may dalawang sapatos at dalawang sintas mula sa isang apoy, na kukulo dahil sa dalawang ito ang utak niya kung paanong kumukulo ang kaldero. Hindi siya makakikita na may isang higit na matindi kaysa sa kanya sa pagdurusa samantalang tunay na siya ay talagang pinakamagaan sa kanila sa pagdurusa."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Kiswahili Português සිංහල Nederlands Tiếng Việt অসমীয়া ગુજરાતી አማርኛ پښتو Hausa ไทย മലയാളം नेपालीالشرح
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang may dalawang sapatos at dalawang sintas, na kukulo ang utak niya dahil sa init ng dalawang ito kung paanong kumukulo ang kalderong tanso. Hindi siya makakikita na may isang higit na matindi sa pagdurusa kaysa sa kanya samantalang tunay na siya ay talagang pinakamagaan sa kanila sa pagdurusa. Iyon ay dahil talagang matitipon sa kanya ang pagdurusang pangkatawan at pangkaluluwa.فوائد الحديث
Ang pagbibigay-babala laban sa mga tagasuway at mga tagatangging sumampalataya laban sa hilakbot ng pagdurusang ito sa Impiyerno upang lumayo sila sa anumang nagpapahantong doon.
Ang pagkakaiba-iba ng mga antas ng mga papasok sa Impiyerno alinsunod sa kasagwaan ng mga gawain nila.
Ang tindi ng pagdurusa sa Impiyerno, iligtas tayo ni Allāh (napakataas Siya) mula roon.