إعدادات العرض
Hindi bat tunay na ang Panginoon ko ay nag-utos sa akin na ituro ko sa inyo ang anumang hindi ninyo nalalaman,at mula sa mga itinuro niya sa akin sa araw na ito; Ang lahat ng yaman na na ipinagkaloob ko sa isang alipin ay ipinapahintulot,At katotohanang nilikha ko ang mga lingkod ko na mga Muslim…
Hindi bat tunay na ang Panginoon ko ay nag-utos sa akin na ituro ko sa inyo ang anumang hindi ninyo nalalaman,at mula sa mga itinuro niya sa akin sa araw na ito; Ang lahat ng yaman na na ipinagkaloob ko sa isang alipin ay ipinapahintulot,At katotohanang nilikha ko ang mga lingkod ko na mga Muslim silang lahat.At tunay,na sa kanila ay dumating ang mga Satanas,at niligaw nila ito sa kanilang Relihiyon,at ipinagbawal nito ang mga bagay na ipinahintulot ko sa kanila,at ipinag -utos nito sa kanila na tumambal sa pagsamba sa akin,sa mga bagay na hindi Ko ipinapanaog rito ang katibayan.
Ayon kay 'Ayyad bin Hemar Al-Majāshe-ie-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi sa isang araw sa pagbibigay nito ng Sermon:((Hindi bat tunay na ang Panginoon ko ay nag-utos sa akin na ituro ko sa inyo ang anumang hindi ninyo nalalaman,at mula sa mga itinuro niya sa akin sa araw na ito; Ang lahat ng yaman na na ipinagkaloob ko sa isang alipin ay ipinapahintulot,At katotohanang nilikha ko ang mga lingkod ko na mga Muslim silang lahat.At tunay,na sa kanila ay dumating ang mga Satanas,at niligaw nila ito sa kanilang Relihiyon,at ipinagbawal nito ang mga bagay na ipinahintulot ko sa kanila,at ipinag -utos nito sa kanila na tumambal sa pagsamba sa akin,sa mga bagay na hindi Ko ipinapanaog rito ang katibayan.At tunay na si Allah ay tumingin sa mga naninirahan sa kalupaan,at nagalit Siya sa kanila,Sa mga Arabo at Hindi Arabo,maliban sa mga natitira na mula sa mga Taong-Aklat.At sinabi niya na:Katotohanang walang ibang kadahilanan sa pagpapadala ko sa iyo maliban, upang ikaw ay subukin at susubukin kita ,At ipinadala ko sa iyo ang nag-iisang Aklat na hindi nahuhugasan ng tubig,nababasa mo ito sa pagtulog at paggising.at katotohang si Allah ay nag-utos sa akin na sunugin ko ang mga Quraysh,At nagsabi ako: O Panginoon ko, kapag binagsakan nila ang ulo ko ay gagawin nila itong parang tinapay,Nagsabi Siya;Palayasin mo sila tulad ng pagpapalayas nila sa iyo,makipandarambong ka sa kanila,at makikipandarambong kami na kasama mo,at gumugol ka(sa landas ni Allah) at gugugol Kami para sa iyo,at magpadala ka ng isang kawal at magpapadala kami ng limang kawal(Anghel)na tulad nito,at makipaglaban ka kasama ang mga sumusunod sa iyo sa sinumang sumusuway sa iyo.At ang mga Taong nananahanan sa Paraiso ay may tatlong uri; Pinuno na matuwid,mapagkawang-gawa,at matagumpay, at Lalaking maawain,malambot ang puso lalo na sa mga kamag-anak nito at sa lahat ng mga Muslim,at Lalaking dalisay (walang-kapintasan), pinapanatili sa sarili nito ang kadalisayan at may pamilya,At ang mga Taong mananahanan sa Impiyerno ay limang klase:Ang Taong mahina na walang tamang pag-iisip, sila iyong taong sunod-sunuran sa inyo,hindi sila naghahangad ng pamilya at kayamanan (Na ipinapahintulot),At Ang Taksil na hindi naitatago sa kanya ang kasakiman,kahit sa napakamaliit nito ay pagtataksilan nito,At Lalaking hindi inaabutan ng umaga at gabi maliban sa siya ay makapanlinlang sa iyo,sa pamilya mo at sa kayamanan mo,(( at nabanggit)) Ang Taong maramot,at Sinungaling,Gumagawa ng kalaswaan na may Masamang pag-uugali.
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausaالشرح
Nagbigay ng sermon ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa isang araw sa mga kasamahan nito,ipinahayag niya sa kanila na si Allah ay nag-utos sa kanya ituro sa kanila ang mga bagay na hindi nila nalalaman mula sa itinuro ng Panginoon niya sa araw na yaon,kabilang sa itinuro ng Panginoon niya: Sinabi Niya;((ang lahat ng yaman na ipinagkaloob ko sa alipin ko ay ipinapahintulot)) Ibig sabihin ay:Sinabi ng Allah pagkataas-Taas Niya,Ang lahat ng yaman Na ibinibigay ko sa isang alipin mula sa mga alipin ko ay ipinapahintulot,at nais ipahiwatig nito ay, pagtanggi sa mga ipinagbabawal nila sa mga sarili nila sa mga ilang uri hayop at ito ay hindi magiging bawal dahil sa pagbabawal nila,at Ang lahat ng yaman na pagmamay-ari ng alipin ay ipinapahintulot sa kanya hanggang sa magkaroon siya rito ng karapatan o di kayay maisaad rito ang patunay na maglalabas mula sa kanyang pangkalahatang (pagpapahintulot).pagkatapos at sinabi niya-pagkataas-taas Niya: ((At katotohanang nilikha ko ang aking mga alipin na may pagkilala sa nag-isang Diyos silang lahat))ibig sabihin ay; Nilikha ko ang mga alipin na Muslim silang lahat,at sinasabi na dalisay sa mga kasalanan, at sinasabi na;matutuwid at Nagsisisi sila upang tanggapin Ang patnubay,at sinasabi na :Ang nais ipahiwatig ay,sa panahon na kinuha sa kanila ang kasunduan sa alikayabok,at sinabi Niya;((Hindi bat akong inyong Panginoon,ang sabi nila: Oo)).at Ang sinabi Niya pagkataas-taas Niya:((At sa kanila ay dumating ang mga Satanas at niligaw nila ito sa kanilang relihiyon,at ipinagbawal nito Ang mga bagay na ipinahintulot ko sa kanila at ipinag-utos nito sa kanila na tumambal sa pagsamba sa akin sa mga bagay na hindi ko ipinapanaog rito ang katibayan))ibig sabihin at dumating sa kanila ang mga Satanas at itinago nila ito sa kanila pumunta sila sa kanila at inalis nila sila sa dating naka-ugalian nila(sa paggawa ng ipinapahintulot) patungo sa pagbabawal nito.at ipinagbawal nito sa kanila ang mga bagay na ipinahintulot ni Allah sa kanila,at ipinag-utos nito sa kanila na tumambal kay Allah,sa pagsamba sa mga bagay na hindi ipinag-utos ni Allah na ito ay sambahin nila,at walang natagpuan na patunay na nararapat ito sa pagsamba.Ang sinabi niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((at tunay na si Allah pagkataas-taas Niya ay tumingin sa mga naninirahan sa kalupaan at nagalit Siya sa kanila,sa mga arabo at hindi arabo maliban sa mga natitira na mula sa mga Taong-Aklat))ibig sabihin ay tumitingin si Allah pagkataas-taas Niya,sa mga Tao sa kalupaan bago pa nagsimula ang propesiya ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nakita Niya sila na nagkaka-isa sa pagtatambal at pagkaligaw,Kayat nagkapoot Siya sa kanila maliban sa mga natitirang Taong-Aklat,at sila ang natitirang nanghahawak sa tunay na relihiyon nila na hindi napapalitan.at ang karamihan sa mga Taong -Aklat ay napalitan na.Ang sinabi Niya-pagkataas-taala Niya:((katotohanang walang ibang kadahilanan sa pagpapadala ko sa iyo maliban upang ikaw ay subukin,at susubukin kita))Ang kahulugan nito ay: Katotohanang ipinadala kita sa mga tao upang ikaw ay aking subukin sa anumang makikita sa iyo mula sa pagpapatupad sa anumang ipinag-utos ko sa iyo rito mula sa pagpapalaganap ng mensahe,at maliban pa doon,mula sa pakikibaka sa landas ni Allah sa tunay na pakikibaka,at ang pagtitiis sa Allah pagkataas-taas Niya,at maliban pa doon.At susubukan kita,kung kanino kita ipapadala sa kanila,Kabilang sa kanila ay ipinapakita Ang paniniwala nito at dalisay sa pananampalataya nito,at kabilang sa kanila Ang sumasalungat at ipinapakita ang pagkasuklam at kawalan ng pananampalataya,kabilang din sa kanila Ang mapag-kunwari,At Ang nais ipahiwatig nito: Ay subukin siya upang maging matatag sa magaganap( Na mga pagsubok),Sapagkat Ang Allah pagkataas-taas Niya,ay nagbibigay gantimpala sa anumang nagaganap sa kanila sa pangyayari,hindi dahil sa anong nalalaman Niya bago maganap Ang mga pangyayari,dahil kung ganoon si Allah pagkataas-taas Niya ay nakakaalam sa lahat ng mga bagay bago ito maganap.((At ibinaba ko sa iyo ang Aklat Na hindi nahuhugasan ng tubig))Ang kahulugan nito ay;ibinaba ko sa iyo ang Qur an, at ito ay nasa ilalim nang pangangalaga sa puso (ng tao),hindi ito basta-basta mawawala,datapuwat mananatili ito sa paglipas ng mga panahon.Ang sinabi nito na:((babasahin mo ito pagtulog at paggising)) Ang kahulugan nito ay : mananatili ito sa pangangalaga para sa iyo sa situwasyong pagtulog at paggising,at sinasabi na: babasahin mo ito sa napakadali at napakagaan.Ang sinabi niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((At katotohanang si Allah ay nag-utos sa akin Na sunugin ko ang mga Quraysh)) ibig sabihin ay : Ipinag-uutos ni Allah sa akin na lipunin ko at patayin ang mga walang-pananampalataya Na Quraysh.((Sinabi ko:O Panginoon ko,kapag binagsakan nila Ang ulo ko ay gagawin nila itong parang tinapay)) ibig sabihin ay: babagsakan nila Ang ulo ko at pipirasuhin tulad ng pagpipiraso sa tinapay,ibig sabihin ay bibiyakin.(( Sinabi Niya: Palayasin mo sila tulad ng pagpapalayas nila sa iyo)) ibig sabihin ay:Sinabi ni Allah sa Propeta niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-palayasin mo Ang mga Walang pananampalataya na Quraysh,tulad ng pagpapalayas nila sa iyo bilang ganti sa ginawa nila.kahit ang sa pagitan ng dalawang pagpapalayas ay pagkakaiba sa pananaw.Sapagkat ang pagpapalayas nila sa kanya ay hindi makatarungan,Samantalanag ang pagpaplayas niya sa kanila ay makatarungan.((Makipandarambong ka sa kanila at makikipandarambong kami kasama mo)) ibig sabihin ay; makipaglaban ka sa kanila a tutulungan ka namin ay ipapanalo kaNmin laban sa kanila,((Gumugol ka at gugugol Kami para sa iyo)) ibig sabihin ay; gumugol ka sa anumang pinagsikapan mo sa landas ni Allah at babayran sa iyo ang kapalit nito sa Mundo at sa kbilang-buhay.((at magpadala ka ng isang-kawal at magpapadala kami ng lima na tulad nito)) ibig sabihin ay;kapag nagpadala ka ng isang-kawal upang makipag-laban sa mga walang-pananampalataya,ay magpapadala kami ng lima ng tulad nito mula sa mga Anghel na ututlong sa mga Muslim tulad ng ginawa Niya sa Badr.(( at makipag-laban ka kasama ang sinumang sumusunod sa iyo sa sinumang sumusuway sa iyo)) ibig sabihin ay; makipaglaban ka kasama ang sinumang sumusunod sa iyo mula sa mga Muslim laban sa sinumang sumusuway sa iyo mula sa mga walang-pananampalataya.((At ang mga Taong nananahanan sa Paraiso ay may tatlong uri; Pinuno na matuwid,mapagkawang-gawa,at matagumpay, at Lalaking maawain,malambot ang puso lalo na sa mga kamag-anak nito at sa lahat ng mga Muslim,at Lalaking dalisay (walang-kapintasan), pinapanatili sa sarili nito ang kadalisayan at may pamilya)) iig sabihin ay; ang taong mananahanan sa Paraiso ay tatlong uri;Isang lalaki ng may panunungkulan at makapangyarihan at namamayani,at siya sa kalagayan na yaon ay makatarungan sa pagitan ng mga Tao hindi siya nang-aapi at gumagawa siya ng kabutihan sa kanila,magiging dahilan sa kanya ang mga magagandang bagay at mabubukasan sa dahil sa kanya ang mga pintuan ng kabutihan,At isang lalaking mapagmahal sa nakakabata at nakakatanda at may marupok na puso lalo na sa bawat kamag-anak nito at sa bawat Muslim sa kabuuan nito.At isang lalaking may pamilya na dalisay(walang-kapintasan) at nangingilad sa mga ipinagbabawal,Siya ay umiiwas sa panghihing sa mga tao,Lubos na nagtitiwala kay Allah sa mga mangyayari sa kanya at mangyayari sa pamilya niya.Hindi siya nadadala dahil sa pagmamahal niya sa pamilya niya at hindi ang pagkatakot na mabiyayaan sila, upang iwanan ang Pagtitiwala (Kay Allah) at mamalad sa nilikha.at paghahanap-buhay mula sa ipinagbabawal,at ang pagtatraho sa mga ito,dahil sa kaalaman at pagsasagawa,na nararapat sa kanya.(( At ang mga Taong mananahanan sa Impiyerno ay limang klase:Ang Taong mahina na walang tamang pag-iisip, sila ang mga taong sunod-sunuran sa inyo,hindi sila naghahangad ng pamilya at kayamanan (Na ipinapahintulot),At Ang Taksil na hindi naitatago sa kanya ang kasakiman,kahit sa napakaliit nito ay pagtataksilan nito,At Lalaking hindi inaabutan ng umaga at gabi maliban sa siya ay makapanlinlang sa iyo,sa pamilya mo at sa kayamanan mo,(( at nabanggit)) Ang Taong maramot,at Sinungaling,Gumagawa ng kalaswaan na may Masamang pag-uugali)); Ibig sabihin ay: Ang mahina na wala sa kanya ang tamang pag-iisip,pinagsasalitaan niya ito at pinipigilan mula sa mga bagay na hindi naman nararapat.((Sila Ang mga taong sunud-sunuran sa inyo,hindi sila naghahangad ng pamilya at kayamanan {Na ipinapahintulot}));ibig sabihin ay : Ang naglilingkod na hindi naghahangad nang asawa,tinatanggihan nila ang mga ipinapahintulot at Ginagawa nila ang mga ipinagbabawal ni Allah.At hindi sila naghahanap ng kayamanan na ipinapahintulot sa pamamaraan ng pagsisikap at mabuting kita.At Ang pangalawa:((Ang Taksil Na hindi naitatago sa kanya ang kasakiman kahit sa napakaliit nito ay pagtataksilan nito)) Ibig sabihin ay: Hindi naitatago sa kanya Ang mga bagay Ang mga bagay Na maaari nitong kasakiman,sa bahagyang hindi niya ito mamalayan,maliban kung siya ay maghahanap ng paraan sa pagsisiyasat nito,at pag-susuri rito hanggang sa makita niya ito at pagtataksilan.at ito ay pagmamalabis sa paglalarawan ng pagtaksil.At Ang ika-tatlo: Ang mapanlinlang.At Ang Ika-apat: Ang sinungaling at Kuripot.At Ang Ika-lima: Ang gumagawa ng kalaswaan Na may masamang pag-uugali.