Bibigyan ang pinaka-mapalad na tao sa mundo na kabilang sa mga taga-impyerno sa Araw ng Pagkabuhay, at ilulubog siya sa impyerno ng paglubog, at saka sasabihan: O anak ni Adam, nakakita ka ba ng kabutihan? dumaan na ba sa iyo ang lubos na kaligayahan? at ang sabi: Hindi sumpa man sa Allah o Diyos…

Bibigyan ang pinaka-mapalad na tao sa mundo na kabilang sa mga taga-impyerno sa Araw ng Pagkabuhay, at ilulubog siya sa impyerno ng paglubog, at saka sasabihan: O anak ni Adam, nakakita ka ba ng kabutihan? dumaan na ba sa iyo ang lubos na kaligayahan? at ang sabi: Hindi sumpa man sa Allah o Diyos ko.

Mula kay Anas Bin Malik -Malugod ang Allah sa kanya- Marfuw'an: ((Bibigyan ang pinaka-mapalad na tao sa mundo na kabilang sa mga taga-impyerno sa Araw ng Pagkabuhay, at ilulubog siya sa impyerno ng paglubog, at saka sasabihan: O anak ni Adam, nakakita ka ba ng kabutihan? dumaan na ba sa iyo ang lubos na kaligayahan? at ang sabi: Hindi sumpa man sa Allah o Diyos ko, at bibigyan ang taong pinakamatinding paghihirap sa mundo na kabilang sa mga taga-paraiso, at ilulubog siya sa paraiso ng paglubog, at sasabihin sa kanya: O anak ni Adam, nakakita ka ba ng paghihirap? dumaan na ba sa iyo ang karahasan? at ang sabi niya: Hindi sumpa man sa Allah, hindi dumaan sa akin ang paghihirap ni hindi ko nakita ang karahasan)).

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Bibigyan sa Araw ng Pagkabuhay ang pinaka-mapalad na tao sa mundo na kung saan siya ay kabilang sa mga taga-impyerno, at siya ay ilulubog sa apoy, dumating siya mula sa kanyang init at kanyang lagablab at kanyang lason na nagpapalimot sa kanya kung anong meron siya mula sa kaginhawahan ng mundo, dahil doon magtatanong ang kanyang Diyos na Siya ang higit na nakakaalam sa kanyang kalagayan, O anak ni Adam, nakakita ka ba ng kabutihan? dumaan na ba sa iyo ang lubos na kaligayahan? at ang sabi: Hindi sumpa man sa Allah o Diyos ko. At kabaligtaran bibigyan ang pinakamalungkot na tao sa mundo at pinakamatinding problema at paghihirap at pangangailangan na kung saan siya ay kabilang sa mga taga-paraiso, at siya ay ilulubog sa paraiso ng pag-lubog, at makakalimutan niya kung anong kalagayan niya sa nang siya ay sa mundo mula sa kapanglawan at kalungkutan at probelma at kahirapan at sagabal; dahil sa nakita niyang kaginhawahan at kasiyahang hindi mailarawan, dahil doon magtatanong ang kanyang Diyos na Siya ang higit na nakakaalam sa kanyang kalagayan, at sasabihin sa kanya: O anak ni Adam, nakakita ka ba ng paghihirap? dumaan na ba sa iyo ang karahasan? at ang sabi niya: Hindi sumpa man sa Allah, hindi dumaan sa akin ang paghihirap ni hindi ko nakita ang karahasan.

التصنيفات

Ang mga Katangian ng Paraiso at Impiyerno