إعدادات العرض
Tunay na ang mga mananampalataya sa Paraiso ay talagang may isang kubol na yari sa iisang perlas na ginuwang, na ang haba nito ay animnapung milya. Ang mga mananampalataya rito ay may mga asawa. Lilibot sa kanila ang mananampalataya ngunit hindi makakikita ang isa't isa sa kanila."}
Tunay na ang mga mananampalataya sa Paraiso ay talagang may isang kubol na yari sa iisang perlas na ginuwang, na ang haba nito ay animnapung milya. Ang mga mananampalataya rito ay may mga asawa. Lilibot sa kanila ang mananampalataya ngunit hindi makakikita ang isa't isa sa kanila."}
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na ang mga mananampalataya sa Paraiso ay talagang may isang kubol na yari sa iisang perlas na ginuwang, na ang haba nito ay animnapung milya. Ang mga mananampalataya rito ay may mga asawa. Lilibot sa kanila ang mananampalataya ngunit hindi makakikita ang isa't isa sa kanila."}
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt Hausa Kurdî Português සිංහල Kiswahili অসমীয়া ગુજરાતી Nederlands മലയാളം Română Magyar ქართული Moore ไทย Македонски తెలుగు मराठी ਪੰਜਾਬੀ دری አማርኛ Malagasy Українська ភាសាខ្មែរالشرح
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa ilan sa kaginhawahan sa Paraiso. Ang mananampalataya sa Paraiso ay may kubol na pagkalaki-laking malawak ang guwang, na yari sa iisang mutyang ginuwang. Ang lapad nito at ang haba nito sa langit ay animnapung milya. Sa bawat dako at panulukan mula sa apat na panulukan nito ay may mga maybahay, na hindi makakikita ang isa't isa sa kanila, na lilibot sa kanila ang mananampalataya.فوائد الحديث
Ang paglilinaw sa kadakilaan ng kaginhawahan ng mga maninirahan sa Paraiso.
Ang pagpapaibig sa gawaing maayos sa pamamagitan ng paglilinaw sa inihanda ni Allāh para sa kanila na kaginhawahan.