إعدادات العرض
Nagtalo ang Paraiso at ang Impiyerno. Nagsabi ang Paraiso: "Papasok sa akin ang mga mahina at ang mga dukha." Nagsabi ang Impiyerno: "Papasok sa akin ang mga mapaniil at ang mga nagmamalaki." Nagsabi Siya sa Impiyerno: "Ikaw ay ang parusa Ko; maghihiganti Ako sa pamamagitan mo sa sinumang loobin…
Nagtalo ang Paraiso at ang Impiyerno. Nagsabi ang Paraiso: "Papasok sa akin ang mga mahina at ang mga dukha." Nagsabi ang Impiyerno: "Papasok sa akin ang mga mapaniil at ang mga nagmamalaki." Nagsabi Siya sa Impiyerno: "Ikaw ay ang parusa Ko; maghihiganti Ako sa pamamagitan mo sa sinumang loobin Ko." Nagsabi Siya sa Paraiso: "Ikaw ay ang awa Ko; maaawa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang loobin Ko."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Nagtalo ang Paraiso at ang Impiyerno. Nagsabi ang Paraiso: "Papasok sa akin ang mga mahina at ang mga dukha." Nagsabi ang Impiyerno: "Papasok sa akin ang mga mapaniil at ang mga nagmamalaki." Nagsabi Siya sa Impiyerno: "Ikaw ay ang parusa Ko; maghihiganti Ako sa pamamagitan mo sa sinumang loobin Ko." Nagsabi Siya sa Paraiso: "Ikaw ay ang awa Ko; maaawa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang loobin Ko."
[Tumpak] [napagkaisahan ang katumpakan sa kahulugan nito]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt Hausaالشرح
Ipinababatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang ang Paraiso at ang Impiyerno ay nagtalo sa harap ng Panginoon nilang dalawa. Nangangahulugan ito: Ang bawat isa sa kanilang dalawa ay naglahad ng mga katwiran ng pagkakalamang sapagkat ang bawat isa ay nag-aangkin ng kalamangan sa isa pa. Ito ay kabilang sa mga bagay na pangnakalingid na kinakailangan sa atin na sampalatayanan kahit pa man ituring na imposible ang mga ito ng mga isip. Ang Paraiso ay nangatwiran sa Impiyerno at nagsabing nasa kanya ang mga mahina ng mga tao at ang mga dukha ng mga tao." Sila sa kadalasan ang nagpapahinuhod sa katotohanan at nagpapaakay roon. Nangatwiran ang Impiyerno na nasa kanya ang mga mapaniil, na mga nagtataglay ng karahasan at kalupitan, at mga nagmamalaki, na mga nagtataglay ng pagmamataas at pagmamalaki, na mga nanlalait ng mga tao, at tumatanggi sa katotohanan. Ang mga alagad ng paniniil at ang mga alagad ng pagmamalaki ay ang mga maninirahan sa Impiyerno - ang pagpapakupkop ay kay Allāh - dahil sila sa kadalasan ay hindi nagpapaakay sa katotohanan. Humatol si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa kanilang dalawa at nagsabi sa Impiyerno: "Ikaw ay ang parusa Ko; magpaparusa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang loobin Ko at maghihiganti Ako sa pamamagitan mo sa sinumang loobin Ko." Nagsabi Siya sa Paraiso: "Ikaw ay ang awa Ko; maaawa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang loobin Ko." Nangangahulugan ito: Ito ay ang tahanang namutawi sa awa ni Allāh at hindi ang awa Niyang katangian Niya dahil ang awa Niyang katangian Niya ay paglalarawang umiiral sa Kanya ngunit ang awa rito ay nilikha. "Ikaw ay ang awa Ko; maaawa Ako sa pamamagitan mo sa sinumang loobin Ko." Ang mga maninirahan sa Paraiso ay ang mga karapat-dapat sa awa ni Allāh at ang mga maninirahan sa Impiyerno ay ang mga karapat-dapat sa parusa ni Allāh.