Inilahad sa akin ang Paraiso at ang Impiyerno kaya hindi ako nakakita gaya ng araw na iyon sa kabutihan at kasamaan. Kung sakaling nakaaalam kayo ng nalalaman ko, talaga sanang tumawa kayo nang kaunti at talaga sanang umiyak kayo nang marami

Inilahad sa akin ang Paraiso at ang Impiyerno kaya hindi ako nakakita gaya ng araw na iyon sa kabutihan at kasamaan. Kung sakaling nakaaalam kayo ng nalalaman ko, talaga sanang tumawa kayo nang kaunti at talaga sanang umiyak kayo nang marami

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May nakaabot sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) buhat sa mga Kasamahan niya na isang bagay kaya nagtalumpati siya saka nagsabi siya: "Inilahad sa akin ang Paraiso at ang Impiyerno kaya hindi ako nakakita gaya ng araw na iyon sa kabutihan at kasamaan. Kung sakaling nakaaalam kayo ng nalalaman ko, talaga sanang tumawa kayo nang kaunti at talaga sanang umiyak kayo nang marami."} Sinabi: {Kaya walang dumating sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang araw na higit na matindi kaysa roon.} Sinabi: {Nagtakip sila ng mga ulo nila at mayroon silang humal.[5]} Sinabi: {Kaya tumindig si `Umar saka nagsabi: "Nalugod kami kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Propeta."} Sinabi: {Kaya tumayo naman ang lalaking iyan saka nagsabi: "Sino ang ama ko?" Nagsabi siya: "Ang ama mo ay si Polano." Kaya bumaba [ang talatang] (Qur'ān 5:101): {O mga sumampalataya, huwag kayong magtanong tungkol sa mga bagay na kung ihahayag ang mga ito sa inyo ay magpapasama ng loob sa inyo ang mga ito.}}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

May nakaabot sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) buhat sa mga Kasamahan niya na isang bagay. Ito ay dahil sila ay nagpadalas sa kanya ng pagtatanong nito kaya nagalit siya at nagtalumpati siya saka nagsabi siya: "Inilahad sa akin ang Paraiso at ang Impiyerno kaya hindi ako nakakita ng isang kabutihang higit kaysa sa nakita ko sa araw na iyon sa Paraiso ni isang kasamaang higit kaysa sa nakita ko sa araw na iyon sa Impiyerno. Kung sakaling nakakita kayo ng nakita ko at nakaalam kayo ng nalaman ko mula sa nakita ko sa araw na iyon at bago ng araw na iyon, talaga sanang nabagabag kayo nang masidhing pagkabagabag at talaga sanang nangaunti ang tawa ninyo at dumami ang iyak ninyo." Nagsabi si Anas (malugod si Allāh sa kanya): "Kaya walang dumating sa mga Kasamahan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang araw na higit na matindi kaysa roon. Nagtakip sila ng mga ulo nila at mayroon silang tunog na may singaw na lumalabas mula sa ilong dala ng tindi ng pag-iyak." Kaya tumindig si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) saka nagsabi: "Nalugod kami kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Propeta." Nagsabi si Anas: "Kaya tumayo naman ang lalaking iyan saka nagsabi: Sino ang ama ko?" Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang ama mo ay si Polano." Kaya bumaba [ang talata]: {O mga sumampalataya, huwag kayong magtanong tungkol sa mga bagay na kung ihahayag ang mga ito sa inyo ay magpapasama ng loob sa inyo ang mga ito.} (Qur'ān 5:101)

فوائد الحديث

Ang pagsasakaibig-ibig ng pag-iyak dala ng pangamba sa parusa ni Allāh at hindi pagpaparami ng pagtawa dahil ito ay nagpapahiwatig ng pagkalingat at katigasan ng puso.

Ang pagkaapekto ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa pangaral at ang tindi ng pangamba nila sa parusa ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

Ang pagsasakaibig-ibig ng pagtatakip ng mukha sa sandali ng pag-iyak.

Nagsabi si Al-Khaṭṭābīy: Ang ḥadīth na ito ay kaugnay sa sinumang nagtanong dala ng pagkukunwari o pagmamatigas sa anumang walang pangangailangan doon sa kanya. Hinggil naman sa nagtanong sa isang usapin dahil sa pagkaganap sa kanya ng isang usapin kaya nagtanong siya tungkol dito, walang kasalanan sa kanya at walang paninisi.

Ang paghimok sa pagpapakatuwid sa pagtalima kay Allāh, paglayo sa mga pagsuway kay Allāh, at ang pagtigil sa mga hangganan ni Allāh.

Nasaad dito ang pagpayag sa pagkagalit sa sandali ng pangangaral at pagtuturo.

التصنيفات

Ang mga Katangian ng Paraiso at Impiyerno