إعدادات العرض
Kapag nakapasok sa Paraiso ang maninirahan sa Paraiso, magsasabi si Allah (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagnanais ba kayo ng isang bagay na idadagdag Ko sa inyo?
Kapag nakapasok sa Paraiso ang maninirahan sa Paraiso, magsasabi si Allah (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagnanais ba kayo ng isang bagay na idadagdag Ko sa inyo?
Ayon kay Ṣuhayb (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: Kapag nakapasok sa Paraiso ang maninirahan sa Paraiso, magsasabi si Allah (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagnanais ba kayo ng isang bagay na idadagdag Ko sa inyo?" Kaya magsasabi sila: "Hindi ba nagpaputi Ka sa mga mukha namin? Hindi ba nagpapasok Ka sa amin sa Paraiso at nagligtas Ka sa amin mula sa Impiyerno?" Kaya maghahawi Siya ng tabing. Hindi sila nabigyan ng anumang higit na kaibig-ibig sa kanila kaysa pagtingin sa Panginoon nila (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt Hausa Kurdî Português සිංහල Nederlands অসমীয়া Kiswahili ગુજરાતી پښتو Română മലയാളം Deutsch नेपाली ქართული Magyar Moore తెలుగు Svenska Кыргызча ಕನ್ನಡ Українська Kinyarwanda Oromoo Македонски ไทย Српски मराठी ਪੰਜਾਬੀ دری አማርኛ Malagasy Wolof ភាសាខ្មែរ Lietuviųالشرح
Nagpapabatid ang Propeta (s) na kapag nakapasok sa Paraiso ang mga maninirahan sa Paraiso, magsasabi si Allah (napakamapagpala Siya at napakataas) sa kanila: "Nagnanais kaya kayo ng isang bagay na idadagdag Ko sa inyo?" Kaya magsasabi ang mga maninirahan sa Paraiso sa kabuuan nila: "Hindi ba nagpaputi Ka sa mga mukha namin? Hindi ba nagpapasok Ka sa amin sa Paraiso at nagligtas Ka sa amin mula sa Impiyerno?" Kaya mag-aalis si Allah ng tabing at mag-aangat Siya nito. Ang tabing Niya ay ang liwanag. Hindi sila nabigyan ng anumang higit na kaibig-ibig sa kanila kaysa pagtingin sa Panginoon nila (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).فوائد الحديث
Ang paghawi ng tabing para sa mga maninirahan sa Paraiso kaya makakikita sila sa Panginoon nila samantalang ang mga tagatangging sumampalataya ay mga pagkakaitan niyon.
Ang pinakadakila sa kaginhawahan ng Paraiso ay ang pagkakita ng mga mananampalataya ng Panginoon nila.
Ang lahat ng mga maninirahan sa Paraiso, gaano man nagkaiba-iba ang mga antas nila, ay makakikita sila sa Panginoon nila (Kapita-pitagan Siya at kataas-taasan).
Ang kabutihang-loob ni Allah sa mga mananampalataya dahilan sa pagpapapasok sa kanila sa Paraiso.
Ang kahalagahan ng pakikipagmabilisan tungo sa Paraiso sa pamamagitan ng mga maaayos na gawa at pagtalima kay Allah (t) at sa Sugo Niya (basbasan ito ni Allah at pangalagaan).