Tinabingan ang Impiyerno ng mga pinipithaya at tinabingan ang Paraiso ng mga kinasusuklaman."}

Tinabingan ang Impiyerno ng mga pinipithaya at tinabingan ang Paraiso ng mga kinasusuklaman."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tinabingan ang Impiyerno ng mga pinipithaya at tinabingan ang Paraiso ng mga kinasusuklaman."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Impiyerno ay napaliligiran at napalilibutan ng mga bagay na ninanasa ng kaluluwa na paggawa ng mga ipinagbabawal o pagkukulang sa mga tungkulin. Kaya ang sinumang nagpasunod ng sarili niya sa pithaya nito roon, naging karapat-dapat siya sa Impiyerno. Ang Paraiso ay napaliligiran at napalilibutan ng mga bagay na kinasusuklaman ng kaluluwa gaya ng pagsisikhay sa mga ipinag-uutos, pagwaksi ng mga ipinagbabawal, at pagtitiis para roon. Kaya kapag sumuong siya at nakibaka sa sarili niya roon, magiging karapat-dapat siya sa pagpasok sa Paraiso.

فوائد الحديث

Kabilang sa mga kadahilanan ng pagkasadlak sa mga ninanasa ay ang pagpapalamuti ng demonyo sa nakasasama at pangit hanggang sa makita ito ng kaluluwa bilang maganda kaya kikiling ito roon.

Ang pag-uutos ng paglayo sa mga ninanasang ipinagbabawal dahil ang mga ito ay ang daan tungo sa Impiyerno at ng pagtitiis sa mga kinasusuklaman dahil ang mga ito ay ang daan tungo sa Paraiso.

Ang kainaman ng pakikibaka sa sarili at pagsusumikap sa pagsamba at pagtitiis sa mga kinasusuklaman at mga mahirap na pumapaligid sa mga pagtalima.

التصنيفات

Ang mga Katangian ng Paraiso at Impiyerno