Kaya tunay na ukol sa iyo ang minithi mo at ang tulad nito kasama nito."}

Kaya tunay na ukol sa iyo ang minithi mo at ang tulad nito kasama nito."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Tunay na ang pinakamababang kaluluklukan ng isa sa inyo mula sa Paraiso ay na magsabi [si Allāh] sa kanya: "Magmithi ka!" Kaya magmimithi siya at magmimithi siya saka magsasabi [si Allāh] sa kanya: "Nagmithi ka ba?" Kaya magsasabi siya: "Opo." Kaya magsasabi [si Allāh] sa kanya: "Kaya tunay na ukol sa iyo ang minithi mo at ang tulad nito kasama nito."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamababa at ang pinakamaliit sa katayuan at rangko ng sinumang pumasok sa Paraiso ay na magsabi [si Allāh] sa kanya: "Magmithi ka!" Kaya magmimithi siya at magmimithi siya hanggang sa walang matira sa kanya na isang mithi malibang nakabanggit siya nito, saka magsasabi [si Allāh] sa kanya: "Nagmithi ka ba?" Kaya magsasabi siya: "Opo." Kaya magsasabi [si Allāh] sa kanya: "Kaya tunay na ukol sa iyo ang minithi mo at ang tulad nito kasama nito."

فوائد الحديث

Ang pagkakaibahan ng mga katayuan ng mga maninirahan sa Paraiso.

Ang paglilinaw sa kadakilaan ng pagkamapagbigay ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).

Hindi nalilimitahan ang kaginhawahan sa Paraiso sa isang tinukoy na bagay; bagkus makatatagpo roon ang mananampalataya ng bawat mimithiin niya at nanasain ng sarili niya bilang kabutihang-loob, bilang kagalantehan, at bilang pagkamapagbigay mula sa ganang kay Allāh (napakataas Siya).

التصنيفات

Ang Buhay sa Kabilang-buhay, Ang mga Katangian ng Paraiso at Impiyerno