إعدادات العرض
{Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Paraiso, kaya naman nagsabi siya: "Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan
{Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Paraiso, kaya naman nagsabi siya: "Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Paraiso, kaya naman nagsabi siya: "Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan." Tinanong siya tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Impiyerno, kaya naman nagsabi siya: "Ang bibig at ang ari."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు မြန်မာ ไทย Deutsch 日本語 پښتو অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە Kiswahili தமிழ் دری Fulfulde Magyar ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių or Română Kinyarwanda Српски O‘zbek Moore नेपाली Oromoo Wolof Soomaali Български Українська Azərbaycan ქართული lnالشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakasukdulan sa mga kadahilanan na magpapapasok sa Paraiso ay dalawang kadahilanan: Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan. Ang pangingilag magkasala kay Allāh ay na maglagay ka sa pagitan mo at ng parusa ni Allāh ng isang pananggalang. Iyon ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ang kagandahan ng kaasalan ay sa pamamagitan ng pagpapasaya ng mukha, pagkakaloob ng nakabubuti, at pagpipigil ng perhuwisyo. Ang pinakasukdulan sa mga kadahilanan na magpapapasok sa Impiyerno ay dalawang kadahilanan: Ang dila at ang ari. Ang dila. Kabilang sa mga pagsuway nito ang pagsisinungaling, ang panlilibak, ang pagtsitsismis, at ang iba pa sa mga ito. Ang ari. Kabilang sa mga pagsuway nito ang pangangalunya, ang sodomiya, at ang iba pa sa mga ito.فوائد الحديث
Ang pagpasok sa Paraiso ay may mga kadahilanang nauugnay kay Allāh (napakataas Siya), na kabilang sa mga ito ang pangingilag magkasala sa Kanya; at may mga kadahilanang nauugnay sa mga tao, na kabilang sa mga ito ang kagandahan ng kaasalan.
Ang panganib ng dila sa may taglay nito at na ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Impiyerno.
Ang panganib ng mga pagnanasa at mga kahalayan sa tao at na ang mga ito ay kabilang sa pinakamarami sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Impiyerno.