إعدادات العرض
O Abū Sa`īd, ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Propeta, nagindapat para sa kanya ang Paraiso
O Abū Sa`īd, ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Propeta, nagindapat para sa kanya ang Paraiso
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "O Abū Sa`īd, ang sinumang nalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Propeta, nagindapat para sa kanya ang Paraiso." Kaya nagtaka rito si Abū Sa`īd saka nagsabi ito: "Ulitin mo po iyan sa akin, O Sugo ni Allāh." Kaya ginawa niya, pagkatapos nagsabi siya: "May iba pang iaangat sa pamamagitan nito ang tao ng isandaang antas sa Paraiso, na ang pagitan ng bawat dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa." Nagsabi ito: "Ano po ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh, ang pakikibaka sa landas ni Allāh."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Tiếng Việt অসমীয়া Nederlands Kiswahili සිංහල ગુજરાતી Magyar ქართული Română Português ไทย తెలుగు मराठी دری አማርኛ Malagasy Македонски ភាសាខ្មែរ Українськаالشرح
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh dito) na ang sinumang sumampalataya kay Allāh at nalulugod sa Kanya bilang Panginoon, bilang Diyos, bilang Tagapagmay-ari, bilang Pinapanginoon, at bilang Tagautos; sa Islām bilang Relihiyon dala ng pagpapaakay at pagpapasailalim sa lahat ng mga ipinag-uutos nito at mga sinasaway nito; at kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang Propeta kalakip ng bawat ipinasugo sa kanya at ipinaabot niya, pinagtibay para sa kanya ang Paraiso. Kaya nagtaka rito si Abū Sa`īd saka nagsabi ito: "Ulitin mo po iyan sa akin, O Sugo ni Allāh." Kaya ginawa niya, pagkatapos nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mayroon akong iba pang kakanyahang iaangat ni Allāh sa pamamagitan nito ang tao ng isandaang antas sa Paraiso, na ang pagitan ng bawat " ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa." Nagsabi si Abū Sa`īd: "Ano po ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh, ang pakikibaka sa landas ni Allāh."فوائد الحديث
Kabilang sa mga tagapag-obliga ng pagpasok sa Paraiso ang pagkalugod kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang Propeta.
Ang pagdakila sa nauukol sa pakikibaka sa landas ni Allāh (napakataas Siya).
Ang kaangatan ng katayuan ng nakikibaka sa Paraiso.
Sa Paraiso ay may mga grado na hindi maisa-isa at mga katayuan na hindi mabilang. Ang nakikibaka ay may isandaang antas mula sa mga iyon.
Ang pag-ibig ng mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-alam sa kabutihan, mga pinto nito, at mga kadahilanan nito.