إعدادات العرض
Tunay na ang kauna-unahang pangkat na papasok sa Paraiso ay nasa anyo ng buwan sa gabi ng kabilugan, pagkatapos ang mga susunod sa kanila ay nasa pinakamatinding talang malaperlas sa langit sa pagliliwanag
Tunay na ang kauna-unahang pangkat na papasok sa Paraiso ay nasa anyo ng buwan sa gabi ng kabilugan, pagkatapos ang mga susunod sa kanila ay nasa pinakamatinding talang malaperlas sa langit sa pagliliwanag
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang kauna-unahang pangkat na papasok sa Paraiso ay nasa anyo ng buwan sa gabi ng kabilugan, pagkatapos ang mga susunod sa kanila ay nasa pinakamatinding talang malaperlas sa langit sa pagliliwanag. Hindi sila iihi, hindi sila dudumi, hindi sila dudura, at hindi sila sisinga. Ang mga suklay nila ay ang ginto. Ang pawis nila ay ang musk. Ang mga insensaryo nila ay ang lapnisang anjūj, ang sandalo ng pabango. Ang mga asawa nila ay ang mga dilag na may maniningning na mata. Sa pagkalikha sa iisang lalaki sila, sa larawan ng ama nilang si Adan, sa animnapung siko sa langit (ang tangkad)."}
الترجمة
العربية Tiếng Việt অসমীয়া Nederlands Bahasa Indonesia Kiswahili Hausa සිංහල English ગુજરાતી Magyar ქართული Română Русский Português ไทย తెలుగు मराठी دری Türkçe አማርኛ বাংলা Kurdî Malagasy Македонскиالشرح
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kauna-unahang grupo ng mga mananampalataya na papasok sa Paraiso ay may mga mukha sila na nasa anyo ng buwan sa gabi ng kabilugan sa pagliliwanag, pagkatapos ang mga susunod sa kanila ay nasa pinakamatinding talang malaperlas sa langit sa pagliliwanag. Taglay nila ang mga paglalarawan ng kalubusan yayamang hindi sila iihi, hindi sila dudumi, hindi sila dudura, at hindi sila sisinga. Ang mga suklay nila ay ginto. Ang pawis nila ay musk. Ang mga insensaryo nila ay naghahalimuyak ng pinakamabangong pabango at pinakadalisay na insenso. Ang mga asawa nila ay ang mga dilag na may maniningning na mata. Ang pagkalikha sa kanila ay ayon sa pagkakalikha sa iisang lalaki sa larawan ng ama nilang si Adan sa tangkad at pagmumukha, na ang tangkad ng katawan niya ay animnapung siko sa langit.فوائد الحديث
Ang paglilinaw sa katangian ng mga maninirahan sa Paraiso at na sila ay nagkakaibahan dito alinsunod sa mga antas nila at mga gawa nila.
Ang paggamit ng pagwawangis sa pagpapalapit ng mga kahulugan at pagbibigay-linaw sa mga ito.
Nagsabi si Al-Qurṭubīy: Maaaring sinasabing aling pangangailangan mayroon sila sa suklay samantalang sila ay mga walang-balbas at ang mga buhok nila ay hindi nadudumihan? Aling pangangailangan mayroon sila sa insenso samantalang ang halimuyak nila ay higit na mabango kaysa sa musk? Nagsabi siya: Sasagutin na ang kaginhawahan ng mga maninirahan sa Paraiso gaya ng pagkain, inumin, damit, at pabango ay hindi dahil sa sakit ng gutom o uhaw o kahubaran o kabahuan. Ang mga ito lamang ay mga sarap na nagkakasunud-sunuran at mga biyayang nagkakatuluy-tuluyan. Ang kasanhian doon ay na sila ay nagtatamasa ng uri ng tinatamasa nila noon sa Mundo.